Hanggang sa makarating sila sa shop na sinabi ng kanyang lola hindi pa rin maalis sa isip niya ang kapatid na lapit pa rin ng lapit sa asawa niya, magka eskwela ang dalawa kaya napakadali kay Vlad na lapitan si Penny. Hindi niya nais na makalapit pa si Vlad sa asawa nita, dahil alam naman niyang may gusto pa rin si Vlad kay Penny kahit pa asawa na niya ito. Sinuway nga ni Vlad ang gusto ng kanilang mga magulang na magtungo ito sa america para doon na ipagpatuloy ang pag-aaral nito. Ayaw umalis ni Vlad dahil umaasa itong may pag-asa pa ito kay Penny. "Are you ok, Arkin?" Tanong sa kanya ni Penny nang ma i park na niya ang sinasakyan nilang kotse sa parking lot ng shop. Humugot siya ng malalim na paghinga at sinulyapan ang asawa na napaka inosente ng magandang mukha nito. Alam naman niya