Kanina pa siya nakatitig sa salamin pinagmamasdan ang kanyang kabuuan sa suot niyang pulang lingerie na halos dekorasyon na lang sa katawan niya. May trenta minutos na yata siya sa loob ng bathroom kung saan siya nagbihis at hindi pa niya magawang lumabas. Kasal na sila ni Arkin, isa na siyang ganap na Mrs. Akrin Dela Vega. Suot na niya sa kanyang daliri ang mamahaling singsing galing kay Arkin. Nakangiti siyang tinaas ang kanyang kamay para pagmasdan ang suot na wedding ring. "Ang ganda, bagay na bagay sa akin," nakangiting saad niya habang titig na titig sa kumikinang na singsing. Alam niyang hindi biro ang presyo ng ganitong klasing singsing. Kung sa bagay wala namang katumbas na halaga ang kanyang p********e, dahil malinis pa siya at tanging si Arkin pa lamang ang aangkin sa kanyang