Binuhat siya ni Arkin pa bridal style para dalhin siya nito sa kama kung saan nila sisimulan ang kanilang honeymoon. Ang honeymoon na buong buhay niyang hindi pagsisisihan. Nakakawit ang mga kamay niya sa batok ng asawa habang wala itong kahirap-hirap buhatin siya. Hindi rin sila nag-aalis ng tingin sa isat-isa na para bang mawawala ang isa sa kanilang mga paningin pag nag alis sila ng tingin. Pagdating sa may paanan ng kama ibinaba siya ni Arkin na hindi pa rin nag-aalis ng tingin sa isat-isa. "You are so beautiful, sweetheart," bulong sa kanya ni Arkin at hinaplos nito ang kanyang pisngi. Ilang araw pa nga lang siyang tinatawag na sweetheart ni Arkin pero parang sanay na siya. "Thanks," pasalamat niya at pinikit ang mga mata katulad ng mga napapanood niya sa mga romantic movie. Iyun