Chapter-79

1033 Words

"Para saan naman itong DNA test na ito Vince?" Tanong ng kanyang Papa nang kausapin niya ang ama tungkol sa balak niyang unahan niya ang kanyang Mama sa pa DNA test kay Arkin ngayong araw. "Papa," simula niya sa ama. Sasabihin niya sa ama ang totoo na nagdududa siya sa galawan ng kanyang Mama. "May duda po kasi ako kay Mama,' amin niya sa ama. "Anong ibig mong sabihin Vince?" Tanong ng ama. "Natatakot po ako na baka may gawin si Mama sa magiging result ng DNA test ni Arkin," tugon niya. "Iniisip mo ba na baka mandaya ang Mama mo?' Tanong ng ama. Tumango siya sa ama. "Ayoko pong maguluhan si Arkin pag ginawa ni Mama na dayain ang DNA test. Alam ko po na anak ko si Arkin, isa siyang Dela Vega," tugon niya sa ama. Humugot ng malalim na paghinga ang kanyang Papa at napailing pa ng ulo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD