Dahil na rin sa nangyari sa grocery wala siyang napamili at napatakbo siya sa Dela Vega Hotel para sabihin kay Vince ang nangyari. Nanghihina siya at nanginginig ang buong katawan niya sa paghaharap nilang iyon ng Mama ni Vince. Ngayon lang siya natakot ng ganito at nais makita ahg asawa para mapawi ang kanyang takot na nararamdaman. Ilang minuto lang naman nakarating na siya sa Dela Vega Hotel. Sinabi ng secretary na nasa meeting pa ang asawa niya, kaya pinapasok na siya sa loob ng opisina ni Vince para doon niya hintayin ang asawa. Naiiyak siya na hindi niya maipaliwanag. Sumosobra na kasia ng Mama ni Vince, pati si Arkin nadadamay na nito. Nasasaktan siya para sa anak. Ayaw niyang maranasan ng anak ang naranasan niya. Bente minutos din siyang naghintay sa loob ng opisina ng asawa bag