"Gusto mo ba samahan kitang mag grocery mamaya?" Tanong ni Vince sa kanya habang nag-aalmusal silang tatlo. Nagpaalam siya sa asawa na tutungo ng grocery mamaya, para bilhin ang mga kailangan nila sa bahay. Sinabihan nga siga ni Vince na iutos na lang daw niya sa mga kasambahay ang mga kailangan niyang bilhin para hindi na raw siya mapagod pa sa labas. Tumanggi siya dahil may mga personal na gamit din siyang bibilhin. Isa pa mas gusto niya na siya ang namimili ng mga kailangan nila sa bahay, lalo na pagdating sa pagkain. "Huwag na maabala ko pa ang oras mo," tanggi niya sa asawa. "Ihahatid ko naman si Arkin kina Nanay mamaya, alam mo naman miss na miss na nina Nanay si Arkin," saad niya sa asawa. "Sige, basta ba tawagan mo ko pag may kailangan ka," tugon nito. Tumango-tango naman siya s