"Kuya ako na lang," tugon sa kanya ni Vlad. Sinulyapan niya si Penny na nakabuka ang bibig pero wala namang salitang lumalabas sa bibig nito, hindi tuloy niya alam kung nais nitong tumutol o ano. Nakasuot pa rin ng school uniform si Penny at ganoon rin si Vlad, mukhang after ng klase ng dalawa tumuloy ito sa dinner. Anong dinner ito? Dinner date ba? Pero bakit? Alam naman ni Vlad na ikakasal na sila ni Penny. "Asaan ba ang girlfriend mo?" Tanong sa kanya ni Vlad. Nalipat sa kapatid ang atensyon niya. Makahulugan ang tinging pinukol niya kay Vlad. Hindi niya gusto ang kinikilos ng kapatid. Ayaw niyang mag isip ng hindi maganda rito. Ayaw niyang isipin na may gusto ito kay Penny. Kung sakali man napaka kumplikado ng lahat dahil magkapatid sila. Sa kanya nakatakdang ikasal si Penny at walang