Hanggang sa makarating sila ni Arkin sa condo unit nito wala sila nitong kibuan. Marami siyang nais itanong at sabihin kay Arkin, iyun nga lang natatakot siyang mapahiya rito at baka isipin nito na hindi niya alam ang lugar niya. Kaya naman kahit masakit sa mata at dibdib na makita itong may kasamang iba sa restaurant at masaya itong kumakain kasama ang ibang babae, wala siyang magagawa. Alam niya ang kanyang lugar. Pansin nga niya kanina na matagal ring nag-usap ang magkapatid, hindi nga lang niya alam kung ano ang pinag-usapan ng dalawa. Pero iyon pwede niyang tanungin si Arkin, mamaya magtatanong siya kung hindi siya sasagutin ni Arkin pwede naman niyang itanong iyon kay Vlad. Mas nakakatakot naman kasi si Arkin kesa kay Vlad. Mas kaya niyang kausapin ng hindi kinakabahan si Arkin kesa