Hindi naman maaga ang pasok niya sa eskwelaan kaya naman nagpahatid muna siya kay Arkin sa bahay nila para naman makapagbihis ng bagong school uniform. Tuwang-tuwa nga ang Mommy niya nang tawagan niya ito kagabi na sa condi ni Arkin siya magpapalipas ng gabi. At ganoon rin ang tuwa nito nang makita silang magkasama ni Arkin nang ihatid siya ni Arkin sa bahay nila. "Mag breakfast ka na muna dito, Arkin naghanda ako ng konti," anyaya ng Mommy niya kay Arkin nang salubungin sila ng ina sa pintuan. Hindi na rin nakatanggi pa si Arkin sa Mommy niya, isa pa wala pa rin naman itong laman sa sikmura dahil nga pag gising nila nagyaya na siyang umuwi, para nga makapagbihis pa. Hindi na rin sila nakapag breakfast pa ni Arkin sa condomimium nito. "Buti naman Arkin at nasaluhan mo kame sa almusal na