"Ano naman ang ginagawa ni Vlad dito?' Tanong ni Arkin nang makaalis na ang Mommy niya sa mag pintuan. Tumayo na rin si Arkin mula sa pagkakaupo nito sa kama niya kung saan muntikan na sila nitong maghalikan. Sayang nga at naistorbo sila ng katok ng Mommy niya, kung hindi lang kumatok ang Mommy niya baka hanggang ngayon naghahalikan pa sila ni Arkin. Sa wakas sana natikman na niya ang first kiss niya. "Baka nais akong isabay pagpasok sa school," tugon niya kay Arkin at binilisan na ang pag aayos ng kanyang mga gamit para maisakay na rin sa kotse ni Arkin at mamaya hindi na siya dadaan pa sa bahay nila. "Wala bang sinasabi sa iyo si Vlad?" Arkin asked. "Ano naman ang sasabihin niya sa akin?" Balik tanong niya habang sinasara ang bag niya. "Hindi ba niya nababanggit na may gusto siya sa