Maayos naman ang lahat matapos siyang ipakilala sa maraming tao ni Arkin bilang asawa niya. Umulan ng congratulations mula sa halos mga bisitang naroon. Hindi na nga rin niya mabilang kung ilan ang mga reporter na naroon at mga photographer na kumuha sa kanila ng mga larawan, halos masilaw na nga siya mga kislap ng camera kanina habang panay ang kuha sa kanila ni Arkin ng picture. Paniguradong bukas sila ni Arkin ang laman ng news, panigurado na larawan nila ni Arkin ang bubungad sa buong pilipinas. Kilalang negosyante ang mga Dela Vega, at kilala rin mismo si Arkin sa larangan ng negosyo dahil sa galing nito pagdating sa pagpapatakbo ng negosyo. "Thank you, Arkin,' pasalamat niya sa asawa habang nakatayo pa rin sila sa may stage at nakaharap sa maraming tao. Kitang-kita niya ang ngiti n