Pagdating sa party naroon na ang lahat, pati sina Vlad at Jackie naroon na rin, pero hindi pa nagsisimula ang event dahil hinihintay daw sila. Siya kasi ang nagpapatakbo sa golf club ngayon kaya para sa kanya ang selebrasyon sa golf club at nasabi na rin sa kanya ng mga magulang niya na kunin na niya ang pagkakataon na iyon parw ma i announce ang kasal nila ni Penny at gagawin talaga niya iyon ipakikilala na niya ang kanyang maganda at batang asawa sa lahat. Nakangiti siya habang hawak ang kamay ni Penny na nasa tabi niya at nakangiti rin sa kanya. Ang ganito kagandang tulad ni Penny ay dapat lang na ipagmalaki niya at ipakilala sa buong mundo. "Iba talaga ang ganda mo ngayon sweetheart," bulong niya sa asawa habang naglalakad sila. Kanina pa nga sa bahay pansin na niyang sobrang ang ga