Napangiti siya nang makita ang sarili suot ang evening dress na napili niya sa shop ng kaibigan ng lola ni Arkin. Hindi siya makapaniwala na napakaganda pala ng evening dress na napili niya na kulay puti, para siyang anghel sa ganda. Excited na tuloy siyang maipakita kay Arkin ang kanyanv ayos. Hindi na siya nagpa ayos pa sa salon at kumuha pa ng make up artist siya na lang ang nag ayos sa kanyang sarili, kaya naman niyang ayusin at pagandahin pa ang kanyang sarili. "This is perfect," nakangiting bulong niya sa sarili habang hindi maalis ang mga mata sa salamin at siya mismo humahanga sa kanyang angking ganda. "Anong sinabi ni Jackie sa ganda niya ngayon. Baka nga masabi pa ni Arkin na tama ang desisyon nito na siya ang piliin over Jackie," litanya niya sa sarili saka napangiti lalo dahi