Puting t-shirt ni Vince ang napili niyang isuot para naman kahit papano matakpan ang kanyang hubad na katawan. Wala naman siyang kasya sa pang ibaba ni Vince kaya sinuot na lang niya muli ang panty na pinag agawan pa nila ni Vince kanina. Matapos makapagbihis pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Buti at bumagay sa kanya ang puting t-shirt ni Vince na sakto lang umabot sa pang upo niya. "Anong ginawa mo sa akin Vince?" Tanong niya sa sarili. Hindi siya makapaniwala na gagamitan siya ng dirty trick ni Vince. Kaya nga iwas na iwas siyang uminom ng alak dahil sa mga pwedeng mangyari sa kanyang ganon na mawalan na lang ng malay at mapagsamantalaan. Pero sa tingin niya hindi siya ginalaw ni Vince kagabi. Hindi naman kasi masakit ang ibabang parte ng kanyang katawan, wala ring bakas ng ano