Isang malakas na hampas sa balikat ang gumising sa kanya mula sa masarap na pagkakatulog. "Walanghiya ka! Anong ginawa mo sa akin?!" Sigaw na umalingawngaw sa pandinig niya. Minulat niya ang mga mata at nakita si Anisha sa tabi niya na galit na galit habang patuloy ang pag hampas nito sa kanya ng unan. "Napakawalanghiya mo! Demonyo ka!" Patuloy na sigaw sa kanya ni Anisha. Bumangon siya mula sa pagkakahiga at naalala na ang ginawa niya sa dalaga kagabi. Pinainom nga pala niya ito ng pampatulog at ng mawalan na ito ng malay dinala niya ang dalaga sa kanyang silid. Hinubad lang naman niya ito pero hindi niya ito pinagsamanatalaan. Ninais lang niyang makita ang maganda nitong katawan na puhunan nito para gumanda ang buhay nito. "Stop it, Anisha!" Inis na pigil niya sa dalaga at hinuli an