Bago pa tuluyang bumagsak sa sahig si Anisha nasalo na niya ang magandang dalaga. "Anisha," tawag pa rin niya sa dalagang wala ng malay. May inilagay siyang pampatulog sa alak na binigay niya kay Anisha. Hindi rin niya alam kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon sa dalaga. "Dam it, Vince! What the h*ll did you do?!" Asik na tanong niya sa sarili habang nakasandal sa kanya si Anisha. "Damn it!" Paulit-ulit niyang mura sa sarili at sinulyapan ang wala ng malay na dalaga. "Anisha," tawag niya rito, kahit alam niyang hindi naman na siya nito naririnig pa. Walang hirap niyang binuhat ang dalaga at lumakad patungo sa hagdan. Hindi ito ang plano niya nang sundan si Anisha at sapilitan itong isama sa bahay niya. Nais lang talaga niya itong kausapin para iwan na nito si Thomas. Hindi niya