"Alam mong wala na tayong dapat pang pag-usapan, Vince! Tapos na ang lahat sa atin!" Mariin niyang sabi sa binata na agad lumakad patungo sa may mini bar malapit sa may malaking hagdan. "Meron, Anisha," Vince said. "Wala!" Hiyaw niya. Halos sumigaw na nga siya rito. "Ayokong sumasama ka pa sa lalake mo. Tapusin mo na ang relasyon mo kay Thomas. Sabihin mo sa kanyang may bago ka ng lalake," kaswal na sabi nito habang naglalagay ng alak sa dalawang kopitang inilagay nito. Akala ba nito umiinom siya. Hindi siya umiinom ng alak dahil nag-iingat siya. Iniingatan niya ang kanyang sarili. Kahit sa company party iwas na iwas siya basta may alak. Takot siyang magkamali once na makatikim ng alak at hindi makontrol ang kanyang sarili. "Hindi ko lalake si Thomas!" Mariing sabi niya rito. "Kung