Habang pauwi sila ni Thomas pansin niyang may sasakyang sumusunod sa kanila, hindi iyon napapansin ni Thomas dahil busy ito sa pag da-drive at pag ku-kwento ng kung anu-ano sa kanya. Wala nga siyang naiintindihan dahil nasa sasakya sa likod ang buong atensyon niya. Nakakasigurado kasi siyang si Vince ang sumusunod sa kanila sa likod, kung ano na naman ang kailangan nito sa kanya ay ewan niya. Masyado na itong makulit ngayon. Nagawa pa siyang sundan nito sa powder room, buti na nga lang at hindi sila nahuli ng fiancée nito. Ayaw na niya ng gulo, nais na niya ng tahimik na buhay, ayaw na rin niyang madikit pa ang pangalan niya sa mga Dela Vega. Isa ng saradong pahina para sa kanya ang mga Dela Vega, pahinang hindi na niya nais pang balikan. Ganoon pa man hindi niya maitatanggi na masarap hu