Kahit anong pilit niya kay Vince na payagan na siyang umuwi ay hindi siya pinayagan ng binata. Mag a-almusal daw muna sila, dahil nagpahanda daw ito ng breakfast sa mga kasambahay nito. At sinabi pa nitong ihahatid naman daw siya nito pagkatapos. Wala naman siyang choice kesa sa makipag bangayan pa siya rito kaya nag stay na lang siya kaya pa naman siguro niyang tiisin ang kabastusan at pagka arogante ni Vince. Sadyang napakalayo na ng ugali ni Vince ngayon kumpara noon. Hindi na nga niya makita ang dating Vince na minahal niya noon sa Vince na nakikita niya ngayon. Talagang nagbabago nga ang tao. Nagtataka lang siya kung ano ang dahilan ng pagbabago ni Vince na ito. Dahil ba sa inakala nitong niloko at pera lang ang habol niya rito? Kung bakit kasi hindi nito paniwalaan ang mga sinasabi