"Ano? Pumayag ka?!" Bulalas ni Lucy sa kanya nang maikwento sa kaibigan ang sapilitang pagsama sa kanya ni Vince sa bahay nito at ang pag alok nito sa kanya na maging mistress nito. Matapos ang bangayan nila ni Vince na may konting almusal sa bahay nito, inihatid naman siya nito sa bahay nila. Pumayag naman na siya kesa sa mag taxi pa siya, isa pa wala nga siyang idea kung nasaan siya. Kaya hinayaan na niya si Vince na ihatid siya nito sa bahay nila. Buti na nga lang at hindi ito nakita ng mga magulang niya at kapatid. Baka kasi mag usisa pa ang mga ito kung bakit kasama niya si Vince. Kilala ng pamilya niya si Vince, kaya tiyak na magtataka ang mga ito pag nakita nila ang lalake na kasama siya. Alam ng kanyang mga magulang ang nangyari sa kanila ni Vince. Nag usisa naman ang nanay niya