Sira na naman ang buong araw niya dahil nakita niyang magkasama sina Anisha at ang ilaw na Thomas na iyon. Maaga pa naman siyang umalis ng bahay para sana hintayin si Anisha sa labas ng bahay ng mga ito. Hindi naman niya akalain na pupunta pala doon si Thomas para sunduin si Anisha, hindi na tuloy siya naka porma pa at na bad trip na. Pagdating sa hotel niya hinintay pa niyang makababa ang dalawa sa sinasakyan ng mga ito. Nag stay muna siya sa loob ng kanyang sasakyan para mas mainis sa nakikita. Nakita niya kung paano alalayan ni Thomas si Anisha hinawakan nito ang kamay ng babaing pinagnanasahan niya. Ang babaing gumugulo ng todo sa isip niya, ang babaing hindi nagpapatulog sa kanya ng ilang gabi na sa kaiisip kung paano niya ito maaangkin. Yes, nakita na niya ang lahat kay Anisha, k