Nagising siyang tila may mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib at nang magmulat siya ng mga mata nakita niyang nakasiksik si Arkin sa batok niya habang mahimbing pa rin ang tulog nito. Kaya naman pala may mabigat siyang nararamdaman nakayakap sa kanya ang asawa. Napangiti siya habang nakatingin sa asawa na tulog na tulog pa rin. Ganitong umaga ang matagal na niyang pinapangarap na maranasan kag Arkin, at mukhang ito na ang simula. "Good morning, Arkin," bulong na bati niya sa asawa at maingat na hinaplos ang gwapong mukha nito. Kahit tulog pa ito napakagwapo pa rin nito, kung sa bagay ano manh angulo ng asawa eh sadyang napakagwapo nito. "I love you, Arkin," bulong niya sa asawa habang hindi pa rin maalis-alis ang tingin rito. Sobra-sobra ang pagmamahal niya kay Arkin, kaya lahat tit