Ilang linggo pa pagkatapos ng new year ang pananatili nila sa Canada. James also asked her about their plan. Tinanong niya rin ang lalaki. And they've come to a decision na manatili nalang muna abroad. Lumipat din sila sa lugar na kinalakhan ni James. May nabili na rin na bahay doon ang lalaki galing sa sariling pera nito at inayos na rin ang mga kailangan pa nila. "James, may savings din naman ako. Let me help?" ani Maia sa mapapangasawa. Bumaling sa kaniya si James. "It's okay. I can handle. Don't worry." ngumiti ito sa kaniya. Una nilang inasikaso ang kanilang intimate wedding. Naroon lang ang pamilya ni Maia at ang Ate Ivy rin ni James kasama nito si Leo. "Maia," binati siya ng ngiti ni Ivy na halos kakarating lang din. Agad naman napatayo si Maia at sinalubong ito ng yakap.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books