"May I talk to you, hijo?" ani Lorenzo nang ilang sandali pagkatapos ng kanilang dinner. Nagkatinginan si Maia at James. Tumango ang huli at sumama na muna sa kaniyang ama. Nakasunod ang tingin ni Maia sa dalawa ng kuhanin ng Mommy niya ang kaniyang atensiyon. "Don't worry, hija. Mag-uusap lang ang Dad mo at si James." lapit sa kaniya ng ina. Maia nodded at her Mom. "Opo. Nakausap ko na rin kanina si Daddy. Sinabi na niya sa aking kakausapin niya ngayon si James." she told her. Tumango ang ginang at bahagyang ngumiti sa kaniya. "Come here." hinawakan siya nito at giniya muna para sila naman ang makapag-usap. Her Mom sighed at first. Tumingin ito sa kaniya. "Ano ang plano mo ngayon?" her mother gently asked. "Mag-uusap pa po kami ni James-" "No," inilingan siya nito. "No, hij