Nakita ni Maia na natigilan ang Mommy niya nang nadatnan sila ni James doon. Inayos din nito ang sarili at reaksiyon at nilapitan na sila. Sinubukan nitong ngumiti sa kasama na niya. "Hijo," bati nito kay James. "Tita," James politely greeted her Mom, too. May ilang sandaling katahimikan. "Galing lang kami sa check-up ni Shemaia," anang Mom niya. Tumango naman si James. "Thank you, Tita." "Okay, let's go?" tumingin ang ina kay Maia. Tumingin naman siya kay James. "Oh, where do you stay by the way, hijo?" baling ng Mommy niya kay James. "At a nearby hotel, Tita." Tumango ang Mom niya at tumingin sa kaniya. Tapos balik muli kay James. "Christmas eve mamaya, hijo. Baka gusto mong pumunta sa bahay?" her Mom invited. Nagkatinginan sila ni James at ngumiti sa isa't isa. "T