Parang bumagal ang oras. Dumating sila Alec at Leo. Nagkapalitan na ng mga putok ng baril ngunit parang walang ibang marinig at makita si Maia kung 'di si James na pwersahang hinihigit ni Leo paalis... palayo sa kaniya... Nakikita niyang bumubuka ang bibig nito sa pagtawag sa pangalan niya... hanggang sa tuluyang maipasok nila Leo sa sasakyan. Bumagsak ang katawan ni Maia sa sementadong kalsada... Nagising siya sa isang pamilyar na silid ng ospital. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at bumungad sa kaniya ang mukha ng Mommy niyang may sobrang pag-aalala para sa kaniya. "Maia... anak..." tumulo ang luha ng kaniyang ina. Agad itong nagpatawag ng Doktor na titingin sa kaniya. Naroon din pala sa silid ang Kuya Tristan niya. Nakita ni Maia ang pag-igting ng panga ng nakatatandang kapat