"Dahan-dahan lang sa paggalaw, ha. Baka bumigay itong bahay namin," biro ni Aarah kay A nang mabuksan na nito ang munting pinto ng kaniyang maliit na kuwarto. "Walang imposible sa taong sabik," pabiro rin na sagot ni A. Inilapag siya nito sa makipot na higaan. "Baka itong kama mo ang unang bumigay." Napabungisngis si Aarah. "Ingatan mo rin dahil mahina na ang mga paa nito. Baka mauna pa itong bumigay kaysa sa'tin." He poked her nose. "Pilya!" Hinubad na nito ang suot na T-shirt at pantalon. Habang nagtatanggal ng mga damit si A sa kaniyang harapan ay parang gustong manginig ni Aarah sa kaba at sobrang excitement. Ngayon lang sila magse-s*x na official na ang kanilang relasyon. Ang problema, dito sa bahay nila na mas maraming tao asungot. Baka mamaya, hindi pa man sila nagsisimula ay m