Pangatlong araw na nina Aarah at A sa Baguio. Napagkasunduan nila na puntahan ang isa sa pinakamalapit na strawberry farm, na matatagpuan sa capital ng Benguet, ang La Trinidad. Isa raw kasi iyon sa pinakamagandang puntahan kapag nasa Summer Capital ng Pilipinas ka. Kulang daw ang bakasyon kapag hindi iyon pinuntahan. Sa munisipyo ng La Trinidad daw matatagpuan ang ekta-ektaryang lupain na may mga tanim na strawberry. Ang nasabing lugar daw ang nagsu-supply ng strawberry sa halos buong Pilipinas. Kaya raw binansagan ang La Trinidad, Benguet, na Strawberry Capital of the Philippines. And the town currently holds a record in the Guinness Book of World Records for baking the largest strawberry cake in year thousand four. "Mas masarap ang strawberry kapag bagong pitas," paliwanag ni A kay A

