"H-Hi, Ling! Kanina ka pa ba diyan?" tanong niya kay A habang nakatitig sa madilim nitong mukha, na kasing dilim ng mga ulap na animo'y nagbabadyang umulan. Samantalang kay Grey naman ito nakatingin na tahimik lang at tila nakikiramdam. "Tama lang. Para marinig ko na napagkamalan kang girlfriend ng lalaking iyan ng kung sino man," nagtatagis ang bagang na sagot ni A. Lumakas ang kabog ng dibdib ni Aarah. So, iyon pala ang higit na dahilan kung bakit ang dilim-dilim ng mukha nito? At hindi lang dahil nakita nito na magkasama sila ni Grey. Mas nag-alala tuloy si Aarah. Siguradong selos na selos ito ngayon. Batid ng dalaga na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo ng nobyo niya kay Grey. Sa kabila ng pagkakaalam nito na ang lalaki ang minsang nagligtas ng buhay nito. "H

