Nagising si Aarah na nasa ibang paligid siya. Isa iyong malawak na kuwarto na maayos at malinis. Napansin din niya na halos lahat ng kagamitan ay puro antiques. Parang mga luma kung titingnan pero siguradong mamahalin. Kinusot-kusot ni Aarah ang mga mata habang pinoproseso pa sa kaniyang utak kung bakit nasa ibang kuwarto siya. At kung bakit hindi niya katabi si A. Nang pumasok sa isip niya ang nobyo ay mabilis na bumalikwas ng bangon ang dalaga. At saka niya naalala ang nangyari sa kanila kaninang hapon habang pabalik sila ng Baguio. Lumindol nga pala nang malakas at gumuho ang bundok na nadaanan nila. Bumagsak iyon sa daraanan nila. Mabuti na lang at mabilis magmaneho si A. Kaagad nitong nailayo ang sasakyan bago pa man sila nabagsakan ng lupa at malalaking bato. Sa kasamaang palad ay

