Kitang-kita ni A ang pagmamahal ng nobya niya sa kaniyang kapatid bilang kaibigan. At kung nagkataon lang na hindi pa niya nalaman na sina Baste at Bart ay iisa, siguradong magseselos na naman siya. Pero hindi na iyon ang nararamdaman ngayon ni A. Sa halip ay lubos ang kaniyang pasasalamat at may isang Aarah ang nagmahal at nag-alaga kay Baste noong mga panahon na kailangang-kailangan sana siya nito. Alam na niya kung bakita tumagal ng gan'on ang pakikipaglaban ng kapatid. Dahil may isang kasinlakas ni Aarah ang nasa tabi nito. Nalulumbay ang mga mata na tiningala ng kapatid ni A ang kaniyang nobya. "I'm sorry, Aarah. Pero mukhang hindi ko matutupad ang promise ko na iyon. Kaya ang gusto ko sana, kapag hiniling ko na bumitaw ka na, bitiwan mo na ako..." Nilingon siya ng kapatid sa nanunub