"Kung nasaan man ngayon si Sir Bart, Ma'am Aarah, siguradong masaya na siya. Dahil wala na siyang nararamdaman na kahit ano mang sakit." Tumulo ang luha ni Aarah nang marinig ang sinabi ni Nenette. Magkatabi silang nakaupo sa harapan ng kabaong ni Bart. May ilang araw na rin itong nakaburol. At hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Aarah na wala na ang kaibigan at naging sandalan niya sa loob ng ilang taon. Noong araw na naghingalo si Bart sa ospital, ilang oras lang ay tuluyan na itong namaalam. Pakiramdam noon ni Aarah ay parang nagunaw ang mundo niya. Hindi lang dahil nawalan siya nang mabuting kaibigan kundi dahil hindi man lang nabigyan ng chance si A na makilala at makasama pa nang matagal si Bart. Nalulungkot at nasasaktan si Aarah. Ngunit higit na para sa kaniyang nobyo