Mabilis na pinaharurot ni A ang sasakyan habang walang eksaktong patutunguhan. Madiin na madiin ang pagkakahawak niya sa manibela na tila ay doon nilalabas ang lahat ng sakit at sama ng loob na nararamdaman niya. Ang dami niyang gustong ilabas mula sa naninikip niyang dibdib. Ngunit hindi niya alam kung kanino ba dapat sabihin. At paano ba niya ipapaalam na nagmukha siyang tanga? Na pinagmukha siyang tanga ni Bart? Na ginago at pinaglaruan lang siya nito? Hanggang ngayon ay parang bomba na paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni A ang sinabi ng doktor tungkol sa DNA result nilang dalawa ni Bart. "I'm sorry, Mr. Fenis, but the DNA result is negative. Hindi po nagtutugma ang DNA n'yong dalawa ni Mr. Montecastro." Sa umpisa pa lang ay may duda na si A na si Bart nga si Baste. Ngunit nabul