Chapter 93

1605 Words

Nang dahil sa paghahanap ng flower shop na posibleng pinagbilhan ni Baste ng bulaklak kaya ginabi na si A sa pagbalik sa burol ni Bart. Maraming tao na naman siyang nadatnan at nag-aakalang totoong kapatid nga siya ni Bart. Ayaw lang niyang guluhin ang burol nito kaya hindi na muna sinasabi ni A ang totoo. Ayaw din niyang makadagdag pa sa mga isipin ni Aarah kaya ipinagliban muna niya ang pagsabi ng totoo. "Saan ka galing? Kanina pa ako naghihintay sa'yo," nag-aalalang salubong sa kaniya ng kasintahan. Niyakap siya nito nang mahigpit at saka hinalikan sa pisngi. "Okay ka lang ba?" Sandaling kinalimutan ni A ang sariling problema para alalayan naman si Aarah. Alam niyang simula nang mamatay si Bart ay halos wala na itong pahinga. Hindi rin nakakatulog nang maayos dahil sa pag-intindi sa b

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD