"We're here!" Napadilat naman ako at namangha ako sa ganda ng isla. "Ang ganda!" Napangisi na lang ako at inayos ko ang sarili ko dahil pababa na ang chopper. Napalingon pa ako sa mag-kapatid na kalmado lang na nakaupo. "Wala ba kayong trabaho?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan naman ang mag-kapatid at ngumisi sa’kin. "Maraming magtatrabaho para sakin," sagot ni Kuya Erin at pinitik lang niya ang noo ko saka niya kinuha ang mga bagahe ko para siya na ang magdadala. Napangiwi naman ako dahil minsan talaga maiinggit ka na lang sa kanila dahil parang ang dali lang ng buhay para sa kanila. TSK. "Marami akong tao na pwedeng umasikaso no’n," sambit ni Rios at hinila na si Dane para pumasok na sa loob ng hotel. Napailing na lang ako bago ako sumunod sa kanila. Masarap siguro kapag maram