THIRD POV Nagmamadali namang lumabas si Dominic sa opisina niya at hinarap ang secretary niya na nagulat naman sa kan'ya. "S-Sir?" "Cancel all my meetings," sambit niya at sinuto ang suit niya. Nanlaki naman ang mga mata ng secretary niya at tumayo na. "Pero, sir..." Tinignan niya ang secretary niya kaya napayuko na lang ang secretary niya. "I need to do something important, maaasahan naman kita, di ba?" ngumiti siya. Tumango na lang ang secretary niya kaya tinapik na lang niya ito sa balikat. "Kapag may nag-hanap sa'kin. Pakisabi na may pinuntahan ako." Tumango lang ulit ang secretary niya kaya umalis na siya ng company dahil makikipagkita siya kay Scarlett. Ang matagal niyang pinapahanap sa mga tauhan niya. Sumakay na siya sa sasakyan niya at pinaharurot patungo kung saan nakiki