DOMINIC’s POV Nagising ako ng may sinag ng araw na tumatama sa balat ko kaya napapikit ako at napahawak sa ulo ng makaramdam ako ng hang-over. Damn it! Napakapa ako sa katabi ko at nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman kong wala si Scarlett sa tabi ko. "Damn!" Napabangon ako sa kama at nagbihis na. Pakiramdam ko last na yung pagkikita namin kagabi. Pakiramdam ko rin na iiwan nanaman niya ako. "Oh, son?" Nasalubong ko si mom, pagbaba ko ng hagdan kaya agad ko siyang nilapitan. "Mom, nakita mo ba si Scarlett?" Napatigil si mom at napaigtad. "H-Huh?" Kumunot ang noo ko sa reaction niya, may alam ba si mom? "Nakita mo ba siya?" yugyog ko kay mom na hindi naman siya makatingin sa'kin. "Mom!" Napabuntong-hininga naman siya at nginitian ako saka niya hinawakan ang mukha ko. "Let's ea