Habang si Scarlett naman ay patuloy pa rin niyang hinahanap si Ferdinand. “Ferdinand!” sigaw niya at pinagbabaril niya ang mga nakadisplay sa buong quarters. “Put*ngina mo! Lumabas ka! Harapin mo’ko!” sigaw niya at kinuha niya ang natitirang bomba at pinasabog niya ang gusali. Natigilan siya nang makarinig siya ng tunog ng helicopter. Nanlaki ang mga mata niya at sinilip niya sa bintana pero natigilan siya nang makita na niya si Ferdinand habang kinakaladkad nito si chairman Knight. “Lolo...” bulong ni Scarlett at umakyat siya sa bintana at kinuha niya ang hook ng tali saka siya bumaba mula sa bintana. “Hindi ka maaaring tumakas, Ferdinand!” tumakbo na siya patungo sa huli niyang kalaban. Pumulot siya ng bato at binato niya ito sa ulo ni Ferdinand. “Tatakas ka nanaman ba?! Hindi ka pa