Habang ang ibang Knight, nakikipaglaban na rin sa mga tauhan ni Ferdinand na hindi maubos-ubos. Napatigil sila ng maraming mga chopper ang dumadating at lahat nang ‘yon may logo ng pamilya nila. “Rios!” “Dad, what are you doing here?!” “Ayokong mahuli sa party! Hindi ako katulad ni Eros na may rayuma na!” Napakamot naman sa ulo si Rios dahil alam niyang makulit talaga ang ama nila. “May rayuma si dad?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Eron. Binatukan naman siya ni Aaron. “Baliw! Busy lang si dad sa trabaho! Naiiwan mo kasi ang trabaho mo kay dad! Napaka tamad mo!” Napailing na lang si Rios dahil sumasakit lang ang ulo niya sa mga pinsan niya at sa mga magulang nila. “Dad!” Napangiwi si Rios nang yakapin ng bunso nila ang kanilang ama. Bumuntong hininga siya at sinigawan na niya