THIRD POV Hindi makapaniwala si Erin kung sino ang nasa harapan niya. Ilang beses siyang umiling baka sakaling naalog ang utak niya dahil sa bugbog na ginawa sa kanya. "You've grown up so well," Sinamaan niya ng tingin ang matanda. "Shut up! We thought you were dead!" sigaw ni Erin habang nagpupumiglas siya sa hawak ni Anderson pero hindi siya nito binitawan. "Oh, Hindi pa ako pwedeng mamatay, Knight." Nagpupumiglas lang si Erin pero kinaladkad na siya ni Anderson at pinaupo sa harapan ng matanda. "You can go son," "M-Master..." "Hindi siya tatakas." Nag-aalangan pa si Anderson pero lumabas na rin siya sa opisina ng matanda. Bumaling naman ang matanda kay Erin. "Nagkamali kayong pasukin ang teritoryo ko, Erin Knight." nakangising sambit ng matanda at kinuha niya ang tungkod niya