"Josephine..." Kumuyom lang ang kamao ni Josephine at pinatigil din niya ang mga tauhan nila. Napasulyap pa siya sa kwarto nila ni Verno dahil mas nag-aalala siya kay Scarlett. "Wala sa usapan 'to! Ang sabi mo mag-uusap tayo! Pumayag ako sa sinabi mo Fernando!" sigaw ni Josephine sa kanya at lumapit naman si Fernando sa kan'ya. "Tumigil ka! Sasama ka sa'kin ngayon din!" Hinila siya ni Fernando pero nagpupumiglas lang siya sa hawak nito sa kanya. "Lady Josephine!" Nilapitan siya ng mga tauhan nila pero pinatay sila ni Fernando. "Fernando! Ano ba! Hindi ako sasama sa'yo! Malinaw na sa'yo ang usapan natin!" pumiglas si Josephine at sinamaan niya ng tingin si Fernando. "What?!" Napahinga ng malalim si Josephine. "Sinabi ko na sa'yong itigil mo na ang paghihiganti kay Verno! Sinabi ko n