THIRD POV Pagdating ni Rios Knight sa kanyang bahay, napabuntong-hininga siya ng mapansin niyang patay ang lahat ng ilaw ng kanyang bahay at medyo tahimik. Wala rin ang mga tauhan niya na sinasalubong siya pag-uwi. Bumaba na siya ng sasakyan at pinakiramdaman ang paligid pero masyadong tahimik at wala naman siyang nararamdaman na kakaiba. Pumasok na siya sa loob ng gate at iniwan ang sasakyan niya sa labas dahil tinatamad na siyang buksan pa ang gate. Napatingin siya sa mga CCTV niya at napansin niyang hindi naman ito nasira kaya alam niyang hindi pinasok ang bahay niya. Matagal na niyang nararamdaman na parang palaging may nanonood sa bawat kilos niya, sa labas ng company, sa labas ng bahay at lalo na sa kapag bumibiyahe siya. Hindi 'yon alam ng iba niyang pinsan maliban lang kay Car