THIRD POV *** FLASHBACK 28 years ago... Tungkol sa nakaraan sa mga magulang ni Scarlett. "N-negative.." umiiyak na sambit ni Sharlene kay Vernon. Nanlulumo naman siya na naupo sa kama habang hawak ang pregnancy test. "Damn it!" Napatakip sa bibig si Sharlene dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya mabigyan ng anak ang kan'yang asawa. Ilang taon na sila magmula nung ikinasal at sinubukan nilang magka-anak pero hindi pa rin ito ibinibigay sa kanila. Parang nawawalan na rin ng pag-asa si Sharlene dahil baka hindi na siya tuluyang mabuntis at baka sa huli iwan na siya ni Vernon dahil hindi niya mabibigyan ng anak ang asawa niya. Mahal na mahal niya ang asawa at natatakot na iwanan siya nito. "Sharlene?" Pinunasan ni Sharlene ang mga luha niya at humarap sa kanilang ina. "Lady Josep