Chapter 27

4731 Words
“The arrogant cannot stand in your presence. You hate all who do wrong; you destroy those who tell lies. The bloodthirsty and deceitful you, LORD, detest.”—Psalms 5: 5-6 ** Chapter 27 Deanne Sinu sino ang nakakaalam na may secret room sa study? Kung may nakatago roong maraming pera, hindi maaaring ipagbigay alam iyon sa kanilang mga tauhan. Sigurado akong alam niya iyon. Pati rin ba ng dalawa niyang kapatid at ni mama Rosalinda? But one thing is for sure, my husband knew about it. He was aware of that big sum of money! Why would he do that? Were banks not enough to deposit those? Impossible. He was a businessman, my gosh. He must know that money earns interest from it. But then, why did he choose to stack up paper bills in their mansion? For what? Extra cash?! C’mon. Mayaman din ang dad ko pero sigurado akong hindi siya nagtatago ng ganoong amount sa mansyon namin. Pwede pa iyong mabulok or what. It was freaking ridiculous! Lumuhod ulit ako sa sahig kahit kumirot ang gitna ng mga hita ko para silipin ulit ang laman ng malaking box. I just made sure what I had found was real money. Na hindi ako namalikmata. At ganoon pa rin ang nakita ko. The box was full of paper bills. Nang gumalaw si Yale sa kama, agad akong tumayo at bumalik sa tabi niya. His arm automatically found me and hugged me tighter. Nakatulog siya ulit nang yumakap ako sa kanya. While I wasn’t able to sleep right away. Puno pa rin ako ng kuryosidad sa nadiskubre ko. But. . . being a member of a notorious gang, kataka taka pa ba iyon? Magliliwanag na nang magising ako sa mainit na haplos ni Yale sa balakang ko. Nasa master bedroom na kami. Binuhat niya ako nang magising ito no’ng ako naman ang papatulog na. At hindi pa man ako nakakatulog nang mahaba ay nagising ako sa kanyang mababaw na halik at yapos sa katawan ko. I was never a slave of kisses. But when it comes to him, para akong dinidilaan ng apoy sa kada dikit ng labi at kamay niya sa akin. Shallow kisses that ended up in hot making love. Sa loob nang magdamang ay dalawang beses naulit ang pagtatalik namin. Naririnig ko na ang malayong tilaok ng manok nang hayaan niya akong makatulog ulit. Alas dies kinse na ang sunod kong gising. Tulog pa rin si Yale sa tabi ko. Pareho naming hindi nakuhang magbihis kaninang madaling araw at tanging kumot na puti ang nakapatong sa aming dalawa. Hawak niya ang kanang hita ko sa kanyang baywang. Tanda kong, siya ang nagtaas ng hita ko sa kanya at sadyang pinagdidikit ang ‘amin.’ It was very sensual and hot but I personally found it intimate and sweet. Na para bang ayaw na ayaw niyang lumalayo ang hubad naming mga katawan sa isa’t isa. Humilig ako sa kanyang dibdib. He has thin hair on his chest. Banayad ko iyong hinahaplos at napapangiti ako. Then, I looked up at his handsome face. Magaan kong kinamot ang panga niyang may stubble pa. I scratched my nails, like a mannerism, back and forth as I stared leisurely at his sleeping face. He was just inches away from my lips. I badly wanted to kiss that brave lips who made me a woman last night. But I didn’t want to deprive him of rest. Uminom ito kagabi at tiyak kong antok na antok. Linggo naman ngayon kaya okay lang. Ngayon, malaya ko siyang natititigan. Malayang nahahawakan. Nadidinig ko ang t***k ng puso niya. Nadarama ko ang init sa kanyang balat. We were both very naked and free to touch each other. I loved watching him sleeping peacefully. Bahagyang magkahiwalay ang labi. At bawat parte ng katawan niya ay nakikita ko. Ang isip ko, sinisigaw na mali ang ginagawa ko. Pinapatayo na ako palayo sa kanya. Pero ang puso ko… kabaliktaran ang sinasabi. I just know, one day I’ll pay for what I did. For not thinking straight and for letting myself indulge in sensuality. Maybe years from now I would lament for the mistake of falling for him. Maybe then, I would know why I did this and… why him. “Kung marami rami pa nga pong natirang Kare kare, ay mam, mag uuwi po talaga ang mga bisita kagabi. Gusto pa nga po nila kaso ubos, e.” Sumegunda agad si Yolanda sa binalita sa akin ni Vee. “Totoo po ‘yon, mam Deanne! Kahit ang tiyahin nina Ser, balak ding magpabalot ng Kare kare ninyo. Kinulang lang po.” Nanananghalian na ako mag isa sa dining table. Umalis sandali si Yale dahil may kakausapin daw sa study. Sina mama Rosalinda ay tapos nang kumain. Sina Leonard at Rock ay nasa hotel na. “Meron pa ba tayong peanut butter at karne, Vee? Magluluto ako.” “Meron pa po, mam. Kaya lang aalis na po yata kayo ni Ser, e.” Tiningnan ko ang oras. Mag aala una nang hapon. Pagkatapos naming mananghalian ay pupunta na rin kami sa hotel nila para puntahan sina Tito Fausto. Nagpunas ako ng labi at tumayo. “Magluluto ako para makapag uwi sila.” “Po? Ngayon na po, mam? Baka ma-late po kayo niyan,” I was determined so, “Then, help me!” Nilakasan ko ang apoy para mabilis maluto. Ninipisan ko rin ang karne. Mabilis naman ang naging preparasyon ko dahil nandyan sina Vee para tulungan ako sa paghihiwa at handa ng mga sangkap. Habang nilalagay ko sa paper bag ang mga ipapabaon kina Tita Nancy ay napansin ko si Yale na nakatayo sa pinto ng kusina. Ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng itim na pantalon at pinapanood ako. Hindi na ako nagsalita dahil nagmamadali kami. Nginitian ko na lang siya. Kaya pasado alas tres nang makaalis kami ni Yale ng mansyon. He was holding may hand while driving. Yes. Nasa ibang sasakyan sina Dos na kasunod namin. Dinadala ni Yale ang kamay ko sa labi niya at panay ang halik at lambing. Kung hindi nga lang kami nagmamadali… baka huminto muna kami. I was totally disoriented until we arrived at The Paradise Hotel and Casino. Naghihintay na raw ang lahat sa The Cove Bar and Restaurant sa aming dalawa. Ito ang unang beses kong makakapasok sa hotel nila. Madalas ay sa Manila Palace kami. O kaya sa ibang five-star hotel kahit hindi ko pa naman kilala ang pamilya Montevista. But I heard a lot of good review about this hotel from my friends. Hindi lang ako pumupunta dahil na rin sa loyalty ko sa mga Montejo. It’s not as if we’re restricted. Hindi lang ako dumadayo o walang chance. Puro salamin ang kabuuang dingding ng hotel at pakurba ang haba. May malaking water fountain sa labas na isa sa mga atraksyon nila. Nakita ko at tumaas ang kilay ko. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan ay nakaantabay ang mga staff. Kinabibilangan ng General Manager, mga Bell boy at housekeepers. Malaki ang ngiting nilapitan kami ng lalaking GM. “Good afternoon, Mr. and Mrs. Montevista. Nasa The Cove na po ang inyong pamilya kasama sina Sir Leonard at Sir Rock.” Kinamayan niya rin ako. Inabot sa akin ni Dos ang paper. “Thanks.” “Let’s go.” Bulong ni Yale sa sintindo ko bago dampian ng halik. May chorus na pagbati ang mga staff sa amin at nginitian ko silang lahat habang hawak hawak ni Yale ang kamay ko. I was wearing jeans and maroon turtle neck sleeveless. Naka-ponytail ang buhok ko at may loop gold earrings. Nang makita ko ang love bite ni Yale sa leeg ko, hindi ko na sinuot ang black off shoulder kong unang naisip. Pagkakita nga niya sa suot kong turtle neck, may ngising aso siya sa akin. “Pamangkin! Ang tagal niyo, ah.” Biglang umingay sa mesa nina Tito Fausto pagdating namin sa resto na iyon. Nasa tatlong mesang magkakalapit ang okupado. Naroon din sina Leonard at Rock na masayang nakikipagkwentuhan sa kanilang kaanak. “Nakakahiya. Naku! Pinagluto mo pa kami! Okay lang kahit ‘yong natira kagabi.” Hindi pa ako nakakaupo nang binigay ko agad kay Tita Nancy ang bagong luto kong Kare kare. Sinamahan ko na rin ng bagong tub ng Avocado Ice Cream. “Hindi po ako papayag Tita na left over ang iuwi ninyo. Minadali ko nga lang po ang luto kanina at sana magustuhan niyo pa rin po.” uminit ang pisngi ko sa imahinasyong titikman nila ulit ang luto ko. Hindi pa naman ako ganoon ka-confident. Baka magkaiba ang lasa sa luto ko kagabi at kanina. Hinawakan ni Tita Nancy ang kamay ko at nahihiya pa rin akong nginitian. Tumawa si Tito Fausto. “Ano ka ba? Magugustuhan namin ‘to. Mas lalong masarap kasi talagang pinaglaanan mo kami ng oras na lutuan. Ang swerte swerte talaga sa ‘yo nitong gwaping kong pamangkin na si Yale.” I chuckled and looked at my husband. Kausap nito ang pinsan sa kabilang mesa at mukhang nakakabiruan dahil nakangiti pati mata. Bahagya akong na-amuse. Madalas itong seryoso at bihira ngumiti. Pero ngayon. . . iba ang awra niya. Maganda ang timpla ng mood. “E hija, kailan niyo ba balak magkaanak? Baka biglang tumayo sa wheel chair niya si ate Rosalinda kapag may apo na.” pabulong pero pabirong tanong ni Tito Fausto. Hindi ako agad nakasagot. Lumapit si Yale at pinaghila ako ng upuan. Biglang tumahimik kaya napansin niya. “What’s wrong?” I cleared my throat. May lumapit na waiter at hiningi ang order namin. Tumawa ulit si Tito Fausto. Sinikuhan siya ng asawa kaya tumigil. Yale caught that and his brows clashed. “Panganay. Ehem. Anak. Ehem.” Ubong sambit ni Tito Fausto. I bit my lip and shook my head. Hindi ko malaman kung maiinis ako o tatawa sa harapan nila. Pinatong ni Yale ang braso sa sandalan ng upuan ko at siyang um-order pagkain para sa aming dalawa. Niyuko niya pa ako at tinanong. “Ano’ng gusto mo, love?” “Masarap ang BBQ nila rito, hija.” Tito Fausto wiggled his brows. I gulped and looked at Yale. Hindi nito inaalis ang titig sa akin na para bang ako lang ang nakikita at naririnig. “Orange juice and BBQ.” Tiningala niya ang waiter at inulit ang in-order. Dinig kong ganoon na rin ang in-order niya para sa kanya. Pagkaalis ng waiter, ang libre niyang kamay ay hinawakan naman ang kamay ko at dinala sa ibabaw ng hita niya. Sa pwesto namin ngayon, kulang na lang ay maki share na rin siya sa inuupan ko. “Ano pong sinasabi niyo kanina, Tito?” tanong niya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Yumuko ako at pinanood ang ginagawa niya. “Hay nako. ‘Wag mong seryosohin ‘tong tiyuhin mo. Pinapahiya nito ang asawa mo.” “What do you mean, Tita?” “Sabik sa apo sa inyo gayong napakarami na niyang apo sa mga anak.” I bit my lower lip. Uminit na naman ang mukha ko. I heard Yale chuckle. “Ayoko pong i-pressure ang asawa ko. Gusto naming i-enjoy muna ang buhay may asawa.” Natigilan ako. I looked up at him. We didn’t talk about it yet. Hindi ko alam na ganoon pala ang iniisip niya. “Hmm. Ayaw mo pa bang matapos ang stage ng boyfriend-girlfriend, ‘insan?” tanong ni Flora habang pinapakain ang bunsong anak na nakakandong sa kanya. He smirked. “I’m possessive, Flora. Kapag nagka-baby agad kami, magkakaroon ako ng kaagaw sa atensyon niya.” Niyuko ako ni Yale at hinabol ang paningin ko. I did look at him with a little surprise in my eyes. Napuno ang tuksuhan at ingay sa mesa namin. Napalingon ang mga kapatid niya at kaanak. Leonard even stared at us a little longer. Sa ganito ba namang posisyon ng kuya niya sa akin, sinong hindi mapapatingin. Tila barkada lang din kung magturingan sina Tita Fausto at Tita Nancy. They were actually cute couple. Iyon bang ang simple lang ng pamumuhay kaya madali ang ngumiti at magbiro. Nagbibiruan kami sa mansyon pero hindi nga lang ganyan kaingay ang dad ko. My father was more reserved. Nabibiro naman at tumatawa rin nang malakas lalo na kapag kausap si Tito Nitoy. Ang mga pinsan kong lalaki ang medyo balahura kabiruan. “Kapag nagka-baby na kayo, ihanda mo ang sarili sa pagpupuyat, Yale.” Nakangiting sabi ng pinsan niya. “Pero bago ‘yon, aba, ihanda mo rin ang sarili mo sa panganganak ni Deanne. Itong si Flora, sinipa ako sa mukha no’ng humihilab na ang tiyan. Hindi ko malaman kung anong gagawin kada hilab,” I smiled instead of wincing. “Naalala ko tuloy ang parents ko. Namumutla si dad noong dinala sa ospital ang mom ko. The moment her water bag broke, my father’s face went pale.” Tumawa silang lahat maliban sa katabi ko. Then, I continued. “Hindi alam ni dad kung paano bubuhatin o hahawakan si mom pasakay ng sasakyan. Nabubulyawan niya ang driver at mga kasambahay namin. At si mom, kahit masakit na ang tiyan, sinabutan siya para tumahimik. Nakaligo pa nga siya no’n bago pumuntang ospital.” They laughed again and seem so engrossed with my own story. But Yale remained quiet. “Totoo ‘yan, hija. Si Nancy tinapos muna ang pagbibingo bago sumakay ng jeep. Nagawa pa ngang makipagchikahan no’ng na traffic kami.” I giggled and unconsciously played my hand with Yale’s. “My mom is a fighter and very brave. Hindi ko nga po ma-imagine kung paano niya kaming pinagbuntis ng kambal ko. We must be very heavy, then.” Namilog ang mata ni Tito Fausto. “May lahi kayo ng kambal, hija?” tanong niya sabay tingin kay Yale. “Sa father side ko po. Kung hindi po ako nagkakamali ay may Lolo akong kambal.” “Edi pwede ka ring magka-baby ng kambal? May anak na ba ang kambal mo? Babae ba o lalaki?” “Lalaki po. Wala pa rin pong anak.” Suddenly, I wondered. Sino kaya sa amin ni Dylan ang magkakaanak ng kambal at mayroon kaya? And why am I thinking of that?! “Kung nagkataon sa unang pagbubuntis mo, kambal na lalaki at babae. Kaswerte ka nga naman nitong gwaping kong pamangkin!” “Hoy, Fausto. Tandaan mong hindi pa rin madaling magdalang tao. Kung kambal pa mas lalong mahirap ‘yon. Isa pa nga lang sa tiyan e mabigat na. Dalawa pa kaya?” “’Wag mo na pong banggitin ‘yan, ‘ma. Namumutla na si Yale, oh.” Sabay sabay naming binalingan ang katabi ko. Tumikhim si Yale at sumimsim ng tubig. Kumunot ang noo ko nang makita ang mukha niyang nilayasan ng kulay. Dahil doon kaya napagtawanan siya at lalong tinusta ng tukso ng Tito niya. I giggled and held his cheek. Hindi na siya mangiti at panay ang inom ng tubig. “Huy, Yale. Ano’ng nangyayari sa ‘yo?” natatawa kong tanong. Matalim niya akong nilingon. Nasa sandalan ko pa rin ang braso niya. “Tsk.” Ows. He was pissed. At kahit ganoon ang mukha niya, kahit nagsusungit na, kinantyawan pa rin siya ng Tito niya at ilang pinsan. Siniko ko siya nang hindi ito mamansin. Hinanap ko ang mata pero supladong umiiwas sa akin. Natawa na rin ako. “Ang sungit naman, oh. Huy.” Tinusok ko ang tagiliran niya. Hindi pa rin siya namansin. Bumuntong hininga ako at hinablot ko ang mukha niya para makita ko. “Okay ka lang? Ba’t ka namutla kanina?” “Tsk. ‘Wag ka nang magtanong.” I pouted my lips. “O, bakit ang sungit mo bigla?” Umiling siya. “Weh, meron e? Ano?” “Love. . .” Nilapit ko ang mukha sa kanya. “Hmm?” Magkasalubong ang mga kilay niya at mukhang pikon ang mata niya. But then, he still speaks calmly. “Kinabahan ako.” “Saan?” He stared at me. “Kapag. . . nagbuntis ka na. Ayokong makita kang nasasaktan, love. Ayoko.” Nagkanya kanya nang usap ang mga kasama namin sa mesa. Feeling ko, sa hina ng boses namin ay nagbubulungan na kaming dalawa at walang nakakaalam ng pinag uusapan namin. Isama pa ang mahinang music sa background. Lumunok ako. Kanina parang biro lang lahat. Hindi ko naisip na maapektuhan siya. He was imagining me being pregnant. So, he wanted to have a child from me! Hindi ko tuloy alam kung anong isasagot sa kanya. Malibang alisin ang kamay ko sa mukha niya at damhin ang mabilis na t***k ng puso ko. Don’t make it too close, Deanne. You are too close in your misery! Hindi na ako sumagot doon. Wala na rin akong narinig pa sa kanya. Siguro, naisip niyang ayaw ko rin iyong i-imagine kaya hindi namin pinag usapan pa. We just ate and talked to other topics. Nagtatawanan pa rin naman kami pero kada lingon ko kay Yale, nahuhuli ko ang titig niya sa akin. Pagkatapos naming kumain, nagkayayaan munang maglaro sa Casino. Iniwan namin ang mga bata sa palaruan sa ground floor. Si Rock ang sumagot ng bayad doon kaya tuwang tuwa ang mga bata. Ang mga lalaki ay nagpunta na sa Casino. Habang kami nina Tita Nancy ay nag-ikot ikot muna sa mga tindahan ng damit at pabango. Tinulak ko si Yale na sumama sa Casino kasi ayaw niyang bumitaw sa akin. Gusto yatang magpa-massage ni Tita Nancy kahit thirty minutes lang. Naroon na rin lang kami kaya tinuloy na. Nakasimangot akong iniwan ni Yale bago umakyat sa Casino. Maraming tao ngayon sa hotel at mukhang sabay sabay lumabas ang mga guest. Pero mas maraming tao sa Casino kaysa sa mini mall sa baba. Kaya pinasunod niya sa akin sina Ian at Monching. We strolled and they bought some clothes. Binilhan ko rin sila ng pabango bilang munting regalo at bumili rin ako ng sa akin. I found Santal 33 and bought it. I used my card not his. Pagkatapos ng mahigit isang oras, napagpasyahan na naming silipin sila sa casino complex. Nag aalala si Tita Nancy. Baka raw nag ubos ng pera ang asawa. Pag akyat namin, hindi mahulugang karayom doon. Puno ng tao ang gaming tables at slot machines. Nakakahilo ang mga ilaw at ingay. Namataan kami ni Dos kaya agad niyang sinabi kay Yale. Pinapanood ni Yale ang tiyuhin niya na naglalaro ng baraha nang makita ko. He listened to Dos and found me watching him. Humalukipkip ako. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi naman siya mukhang naglalaro pero. . . kita mong nag e-enjoy. At talagang hinayaan pa niyang magtagal doon ang Tito niya. Maraming tao ang nakapaligid sa kanya. Mayroon ding magandang babae sa tabi. Umiinom ng champagne at pangiti ngiti. Tinapik ni Yale si Tito Fausto at may binulong. Tito searched for us and found us. Tumabi sa akin si Tita Nancy at bumulong. “Kita mo ‘tong matandang ‘to, oh. Kapag sugal, nalilimutan ang oras. Magkano naman kaya ang winaldas?” Sa isip isip ko, malaman ko lang na malaki, sermon ang aabutin sa akin ni Yale. Tumayo na rin si Tito Fausto na may kinuha sa mesa. He was holding a lot of chips. Nagtawanan pa sila. Tinuro iyon ni Yale sa isang staff at pinakuha. Tumango si Tito Fausto at kita sa mukhang masayang masaya. Ang ibang matatandang nakasuot ng itim na coat ay kinamayan si Yale at kinausap bago padaanin. May iba pang gusto sana siyang kausapin pero hindi na nilingon ni Yale. Ang ilang tauhan ng casino ay magalang na nag bow sa pagdaan niya. Sina Dos ay kasama niya sa likuran at alerto sa bawat mukhang nakikita. “Ang aga niyo naman natapos, manager?” biro ni Tito Fausto sa asawa paglapit. Namaywang si Tita Nancy. “Nakapagpamasahe at shopping na kaming lahat, hindi ka pa tapos maglaro?” “Tapos na, eto naman. Ang laki nga ng panalo ko, e. Swerteng kasama ang tatlo kong pamangkin.” “Kuu! Baka nagpapakitang gilas ka lang d’yan.” Ngumisi si Tito Fausto at nilingon si Yale. “For the record, wala akong nilabas kahit magkano. Si Yale ang gumastos sa akin.” “Aba’t-. . . ikaw talaga! Nakakahiya!” Binalingan ko si Yale na pakamot kamot ng ulo. Lumapit siya sa akin pero hindi makatingin. Natatawang nagsalita si Rock na galing din sa loob. “Mahina 100k kay kuya, Tita. Kung nagtagal tagal pa nang kaunti sa lamesa si Tito Fausto, baka maka 1M pa.” Tumaas ang kilay ko sabay tingala kay Yale. “Nabawi naman ang pinantaya, Nancy! Relax ka lang.” “Relax, relax ka d’yan. Tayo na nga’t umuwi. Ititinola ko ‘yang mga manok mo!” Nilambing at inakbayan ni Tito Fausto ang asawa kahit no’ng naglalakad na kami. Panay ang kwento ni Rock sa nangyaring laro sa casino. Ang ibang pinsan ay nanalo rin sa slot machine at nagkapera. Nagkaplano pa nga kung kailan sila babalik ulit dito. Na sinang ayunan agad nina Leonard at Rock. Nakangiti ako habang pinapanood sina Tito Fausto. Pinapasoli ni Tita ang napanalunan pero hindi tinanggap ni Yale. Medyo nagtagal kami bago sila makabyahe pa-Zambales. Inabot sa akin ni Tita ang pasalubong nilang delicacies from their town. Nahihiya pa siya dahil nga sa perang uwi ng asawa. “Ingat po!” I waved my hand as their van left the hotel. Hinawakan ni Yale ang kamay ko. Ilang sandali pa ay dumating ang sasakyan namin. “Mauna na kayo sa bahay.” “Saan kayo, kuya?” tanong ni Leonard. Kumunot ang noo ko. Hindi pa kami uuwi? “Oh? Saan ba kayo? Nasa hotel na kayo, o.” “Tsk,” inirapan kong matindi si Leonard. Ang dumi dumi ng isip nito. “Gago. May dadaanan lang kami. Sige na.” “Okay. Uwing maaga, ha?” Inilingan ko si Rock may may ngising aso sa labi. Hindi naman siya pinansin na si Yale. Pagkasakay namin. Hindi na ako makatanong kung saan kami pupunta. Maaga pa naman kahit madilim na. Ilang sandali pa, hininto niya ang sasakyan sa tapat ng SECRET. Ang kilalang jewelry store ng mga Castillano. My lips parted. Unang bumaba si Yale at pinagbuksan ako ng pinto. “Yale?” He looked at me and grinned. “I owe you something.” “Huh?” Hinila niya ako papasok sa marangyang tindahan. Nginitian at binati kami ng mga nakaunipormeng empleyado sa likod at labas ng mga sa salaming estante. Hindi lang alahas ang naroon kundi maging mga bag. Hindi ako nakapagsalita sa mangha. This place is a haven for women. Like me. “Good evening, Mr. Montevista.” “Good evening. I’m looking for… engagement ring.” Namilog ang mata ko at hinatak ang kamay niya. He did look at me but only to grin again. “Narito po, Sir.” Minuwestra ng babaeng may maayos na french knot hair, naka black coat at gloves ang mga kamay ang mala-crystal na lalagyan ng mga singsing. Iba’t iba ang laki, design pero pare parehong kumikinang sa ganda. Hinila ako roon ni Yale. Una niyang tiningnan tapos ay binalingan ako. “Ano’ng gusto mo rito, love?” Nanigas ang lalamunan ko. Hindi pa rin akong makapaniwala na bibilhan niya ako ngayon. I mean, “W-We’re already married!” He chuckled. Inabot niya ang pisngi ko at hinaplos. “I know. But I want you to have one.” “Mukhang na-late po ang engagement ring niyo, Sir. Nagulat tuloy ang misis niyo.” Mabait at mahinhing sabi ng babae. “I promised her that she will have her own engagement ring. Inuna ko kasi ang kasal namin bago ito. So,” nagkibit ito ng balikat. Yumakap ako sa braso niya. Para akong nahihiya na ewan. Kinikiliti ang tiyan ko. “Pili ka na, love.” Bulong niya. Hindi niya binibitawan ang kamay ko. Tiningnan ko ulit ang mga singsing. Naglabas pa ang babae dahil nagtanong si Yale. Ngayon, bumabaha ng mga singsing sa harapan ko. I didn’t expect this. Hindi ko na naisip na magkakaroon pa ako nang ganyan sa kanya. I actually already forgot about that. Tapos ay bigla niya itong gagawin sa akin? Ofcourse, balewala lang itong presyo sa kanya. Pero ang maalala pa? Hindi ko in-expect. Yale is sweet, honest, caring and loving. In bed, he’s wild and rough. Compared to his personal information as a the eldest son of a member of gang, it was a surprise to be treated like this. To be pampered. To be spoiled. Ako ang sinunod niya sa pag aayos ng master bedroom kahit tutol ang mama niya. He never forced me to consummate our marriage. Iyong. . . imbes na sulsulan ko ang pagsunod niya sa akin, umiinit pa ang puso ko matapos niyang gawin. Imbes na. . . gamitin ko ang pagkakagusto niya sa akin, nahulog pa ako. What will my twin say to me? Is he going to be disappointed? Is he going to be mad at me because my feelings changed? Will I choose Yale over my dear twin brother? Pinagmasdan ko sa daliri ko ang gold wedding band at ang diamond ring. I’m staring at my mistakes. “Ang bongga bongga niyan, mam pretty girl! Yayamanin talaga.” Nginitian ko si Vee. Bilang personal kong assistant na tinalaga ni Yale, siya lang talaga ang madalas kong kausapin dito sa mansyon. Katulad ngayon, lunes ng hapon. Kauuwi lang ni Yale at nasa study room na. Hindi yata maubos ubos ang kailangang gawin sa opisina. “Okay na naman ako sa wedding ring lang. Pero tinuloy pa rin Yale ang pagbili ng engagement ring. Tingnan mo, Vee. Ang ganda.” May pagmamalaki ko pang sabi sa kanya at pakita ng kamay ko. “Kumikinang kinang, mam. Magkano kaya ‘yan sa Palawan?” Kumurap kurap ako. May branch ba sa Palawan ang SECRET? Sa Lemery Batangas lang ang alam kong mayroon. “Hindi ko alam.” “T’yak malaki ang value niyan, mam. Kasing laki ng pagmamahal sa ‘yo ni Ser. Ayiiie. . .” “Ewan ko sa ‘yo. Mag init ka na ng tubig at gagawan ko ng kape ang sir mo—” Bumaling kaming dalawa ni Vee sa labas ng kusina. I heard a loud bang coming from somewhere. . . nang biglang pumasok ang kasambahay galing sa labas. Takot at parang kabado ang itsura. Tumayo ako. “Ano’ng nangyayari?” She was about to cry. Nakahawak sa dibdib. Takot na tinuro ang labas. “S-Sina Madam Rosalinda po. . . n-nagwawala sa study room,” Study? “Hala! Baka sinasaktan na naman niya si Ser Yale!” Napatingin pa ako kay Vee. Tila biglang may bumundol sa dibdib pagkarinig no’n sa kanya kaya agad akong kumilos at nagmamadaling lumabas ng kusina. Tama. Nasa pasilyo pa lang ako ay naririnig ko na ang malakas na sigaw ni mama Rosalinda. Pati ang ilang maingay na bagsak ng kung anong bagay sa kung saan. Mas lalo akong nagmadali at tumakbo na. Kumakalabog ang dibdib ko pagkatulak ko pa lang sa pinto. I abruptly stopped after I caught her throwing a fat book over Yale’s head. Nakaupo si Yale sa couch. Nakayuko at hindi alintana ang pananakit ng mama niya. “Napakalaki mong gago! Ano’ng pinaggagawa mo sa buhay mo, ha?! Hindi mo na naisip kung gaano ito pinaghirapan ng papa mo!! Haaa!” galit na galit niyang bulyaw mula sa kanyang wheel chair. Nagkalat na sa sahig ang mga libro at naubos halos ang ibabang bahagi ng shelf. Inaawat siya ni Manang Soledad pero hindi maawat si mama Rosalinda. Lahat ng maabot ng kamay niya sa shelf ay binabato niya kay Yale na nakayuko lang. Kinuha nito ang dalawang hardcover book at magkasunod na hinagis sa ulo ng anak. Halos mahulog ang puso ko sa sahig nang tumama iyon kay Yale. “Napakalaki mong gago! Inutil!” humugot ulit siya ng panibagong ibabato at nakuha niya ang makapal na libro. Hindi na ako nagdalawang isip at sinangga ko iyon. Agad siyang natigilan at tiningala ako. Hinihingal ako dala ng galit sa kanya. Nangangalit ang ngipin kong binagsak sa sahig ang libro. My lips firmly closed but I managed to speak. I glared at her. “’Wag niyong saktan ang asawa ko.” may diin kong laban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD