Chapter 28

4812 Words
“But let all who take refuge in you be glad; let them ever sing for joy. Spread your protection over them, that those who love your name may rejoice in you.” – Psalms 5:11 ** Chapter 28 Deanne Pagkarinig sa boses ko, saka lang tumingala si Yale. Nanlaki ang mata at umigting ang panga matapos akong nakita. I felt something in me sliced after I found a scratch just below his left eye. Marahil na nahiwa ng dulo ng libro. Hindi ko pinansin ang sinagot sa akin ni mama Rosalinda at dagli ko siyang nilapitan. I sat on the coffee table infront of him and checked his face. Titig na titig sa akin si Yale. Daig pa nito ang taong nakakita ng multo. Ano? Sa tingin niya hindi maririnig ang malakas na bulyaw ng mama niya sa buong mansyon? “May galos ka.” inis at may ngitngit sa dibdib na bulong ko. Naggalawan ang muscle niya sa panga pero hindi niya ako sinagot. Iniwas niya ang mukha sa kamay ko na parang hindi gusto ang paghawak ko. O ayaw niyang makita ko ang galos. Matalim ko siyang tinitigan. Bakit gan’yan ang kinikilos niya? “Ano? Kaya mo na ngayong magtago sa saya ng asawa mong De Silva?! Kinalimutan mo ang pagpapalaki at turo sa ‘yo ng ama mo, Yale! Wala kang kwentang anak!” Suminghap ako at marahas na nilingon si mama Rosalinda. “Bakit gan’yan po kayo magsalita sa sarili ninyong anak, mama? Kung pagbabatuhin ninyo si Yale parang—parang hindi rin kayo nasasaktan!” Pulang pula ang kanyang mukha at may luha sa nanlalaki niyang mga mata. “Wala kang alam. Kaya ‘wag kang mangielam sa gusto kong gawin sa anak ko! Sampid ka lang dito!” I dismissed what she said about me and stood up. Nang humugot siya ng panibagong ibabato, hinarang ko ang sarili kay Yale. “May pakielam po ako dahil asawa ako ng anak ninyo. Hindi ako papayag na saktan niyo siya nang wala akong ginagawa.” “At anong karapatan mong pagsalitaan ako nang gan’yan? Tandaan mo, asawa ka lang pero ako ang ina niya. Binigyan ka lang ng pangalan pero ako nagluwal sa kanya!” My teeth shakily gritted. Uminit ang puno ng tainga ko at mga mata. “Tama. Kayo ang nagluwal. Pero ako ang pinakasalan. Ako na ngayon ang may karapatan sa anak ninyo at karapatan kong ‘wag siyang hayaang masaktan kahit sa sarili niyang ina. Nakikita niyo ba ‘yang ginagawa ninyo? Sariling niyong anak, pinagmamalupitan ninyo!” “Pinagmamalupitan? Sa estado kong ito, ako pa ang nagmamalupit?” tila natatawa niyang tanong. “Hindi niyo naman kailangang tumayo para manakit. Iyang pananalita niyo at mga salitang binato ninyo kay Yale, sapat nang abuso sa kanya.” “Abuso? Ano’ng pinagsasabi mo? Lumayas ka rito!” I stepped forward giving her my most menacing look I never did before. I could even feel my blood boiling at the highest heat level. I felt like my father’s dangerous image was in me. “Legally, ang asawa ko ang may ari nitong bahay. Legal niyang minama sa kanyang ama kaya bilang asawa niya, ako ang may karapatan kung sino ang dapat palayasin sa pamamahay ito,” Namilog ang mata niya. Suminghap naman si Manang Soledad. “But I never took the title from you. Because you are my husband’s mother and I’m not even interested. I do have a respect for you. But watching you hurting him, I’m not just going to stay in silence and do nothing, mama.” “Aba’t—nagmamalaki ka na? Ano ‘to, Yale?!” Bumukas ang pinto at nag aalalang pumasok si Leonard. Pinasadahan niya ng tingin ang gulo ng study. Ang kuya niya. Ako at ang mama niya. Mabigat akong bumuntong hininga. Nangingilid ang luha sa mata ko dahil galit o inis. Tiningnan ko si Leonard. “Ilabas mo muna ang mama, Leonard.” Utos ko. His lips parted. He was maybe a bit shocked when I asked him that. Hindi ito agad kumilos. Samantalang, manghang binalingan ni mama ang pangalawang anak. “Pinapalayas ako ng babaeng ‘to, Leonard! Nagrereyna reynahan na sa mansyon natin!” “Take her out, Leonard. Now.” Nanginginig kong ulit. Leonard looked so undecided. Kaya tiningnan niya si Yale. Pumikit ako at binalingan din si Yale. He looked at his brother and… he nodded. “Sundin mo ang asawa ko.” Halos bumagsak ang panga ni Leonard pagkarinig. Binigyan niya ng matalim na tingin ang kapatid bago tinulak ang wheel chair ni mama Rosalinda. Sumunod si Manang Soledad pero agad ko siyang pinigilan. Lumunok ako. “Pakisabi po kay Vee na magdala ng first aid kit at yelo rito.” “Sige, hija.” “Thank you po.” Pagkasara niya ng pinto, naghari ang katahimikan sa magulong ayos ng study. Sa labas, nai-imagine ko ang galit na reklamo ni mama Rosalinda dahil sa nangyari. Hindi rin naman siya makakalayo dahil nasa baba rin ang kwarto niya. Pero tiyak kong hindi matatapos ang gabing ito na walang makakakarinig ng boses niya. Nilapitan ko si Yale na nananatiling nakaupo at… kalmado. Inalis ko ang nakakalat na libro s coffee table at umupo roon ulit. Hindi ko na inalala kung masisira ko itong mesa basta makita ko lang ulit ang mukha niya. I cupped his jaw and lifted his face. There was an uneasiness coming from me. Madilim ang mukha niya. Hindi kumikibo. Kung tingnan ako ay parang hindi ako ang pinakasalan niya. Ganito ba talaga siya kapag nasasaktan? Nilalayo ang sarili sa may gustong magmalasakit? Bakit hindi siya ngayon lumingkis sa akin at magsabi ng nararamdaman niya? I sighed heavily. I wanted to talk to him but my words were trapped. Parang may pumipigil sa akin. May kumatok sa pinto at bumukas iyon. “Mam ito na po ang pinapahingi niyo,” Tumayo ako ulit at lumipat sa tabi ni Yale. Tinuro ko kay Vee ang coffee table para roon ilapag ang pinahingi ko. “May kailangan pa po ba kayo, Mam?” Agad kong binuksan ang first aid kit. “Wala na muna. Tatawagin na lang kita mamaya. Salamat, Vee.” Binasa ko ng alcohol ang cotton balls. “Sige po, mam. Nasa kusina lang po ako.” Hinarap ko si Yale at hinanap ang galos malapit sa kanyang mata. “Mahapdi ito, ah. Brace yourself.” Dinampi ko ang basang bulak sa sugat. He winced after that. Inulit ko ang pagdampi bago ko hinipan ang galos. Hindi naman seryoso at hindi rin malalim. Pinasadahan ko ng tingin ang mukha niya at sa kanang bahagi ng noo ay tila may umbok doon at namumula. Tumalim ang mata ko roon. Binaba ko ang bulak at kinuha ang yelo. Hinawi ko ang buhok sa noo niya at dinantay doon ang cold compressed bag. “May bukol ka.” I let him know if ever manhid na siya sa sakit. He sighed heavily. Hindi ulit kumibo at hinayaan lang ako sa pag aalaga sa kanya na parang nurse sa kanyang tabi. Pero habang tumatagal, mas lalo kong nakikita ang pamumula, sugat at bukol sa ulo niya at mukha. At mas lalo akong nanggagaliiti sa mama niya kada dampi ng bulak at pag-press ng yelo sa balat niya. Naiiyak ako pero walang hikbi. Naiiyak ako sa galit. Nanginginig ang mga kamay ko at ilang beses kong kinagat ang labi ko. Napapatanong ako sa sarili, ano’ng klaseng ina ang mananakit nang ganoon sa kanyang anak? Ano’ng klaseng pamilya ba sila? Gustong gusto kong yugyugin ang balikat ni Yale at gisingin siya sa pagtitig ng sahig. Humihinga pa pero hindi nagsasalita. Wala ba itong pakiramdam? Gusto ko siyang kagalitan pero… ako rin ang nagba backout. Naiirita ako. Kahapon ang saya saya niya. Ngayon, delubyo ang itsura niya. Iritado kong binaba sa mesa ang cold compress. Binalingan niya ako pero tumayo ako. He abruptly reached my hand and halted me from walking away from him. Tiningnan ko siya nang naiinis. Hindi ko rin kayang mainis nang matagal sa gan’yang uri ng mukha. Mukhang nagmamakaawa. “L-Love…” I sighed heavily and closed my eyes. “Ayokong nakikita kang gan’yan. Nabibwisit ako.” Amin ko. Hinila niya pa rin ako hanggang sa paupuin niya sa kanyang kandungan. He snaked his arms around my waist and I had the chance to stare at his face closely. Steady ang titig niya sa akin pero pumapasada ang mata ko sa mukha niya. I even touched his cheeks and his jaw. “Ano’ng masakit sa ‘yo? Ulo mo? Sa’ng banda ba?” My brain suggested to bring him in the nearest hospital to be assessed. Lalo na ang ulo niya. Hindi yata ako makakalma kung hindi siya napapatingnan sa doctor. “Dadalhin kita sa doctor. Mmm?” Pinaloob ko ang kamay sa kanyang buhok at dinama kung may bukol din doon. Wala naman akong nakapang umbok. Then, I combed his messy hair and fixed it. “I’m alright.” He sighed. Kinulong ko ang mukha niya sa kamay ko. “Are you sure?” He nodded and smiled a bit. “Let’s go to bed.” Tinitigan ko siya nang matagal. Nasa mukha niya ang pagod at parang stressed pero pinipilit ngumiti. After I thoroughly checked his head and face even his upper body, we went upstairs and went to bed. His deep kisses temporarily erased the anger I had felt a while ago. Kinulong ko ang leeg niya sa braso ko habang pinapaulanan niya ng halik ang leeg ko. Hindi ko na matandaan kung paano niya nahubad lahat ng suot ko at tanging ang engagement at wedding rings na lang ang palamuti ko sa kamay. I was in deep sensuality under him. Like me, he was very naked and warm over my aroused body. I clung my legs around his hips. He cupped my swollen breast and squeezed them in his big hands. My eyes were closed as I arched my back and sorrowfully longing for his maleness. When I found it, I slowly rocked my hips up and he stiffened. Umahon siya sa leeg ko at tiningnan ako. Hinihingal at malalim ang kunot sa noo. He was rocked hard. I grinned. I pushed him on the bed and straddled myself in between him. “Deanne,” hingal at gulat niyang tawag sa akin. Tinungkod ko ang dalawang kamay sa kama at mapusok kong hinalikan ang labi niya. “This is going to be my first time to ride you. So… bear with me, love.” Mas lalo siyang natigilan o parang naestatwa na. I forced myself not to giggle. Lumuhod ako at at tinaas nang kaunti ang sarili. I looked at our private parts. Aaminin kong, nangangatog ako sa kaba. Kita naman sa kamay kong humawak sa kalakihan niya nang itutok ko iyon sa akin. Kinagat ko ang labi at hinanap ang tamang lagusan at saka ako dahan dahang umupo sa hita niya. But it wasn’t that simple! Sa unang pasok pa lang ay tumigil na ako. Sa tingin ko ay tuktok pa lang niya ang nasa loob ko pero nakakaramdam na ako ng hapdi. Maybe he was big so body was alerting me of pain. Tinungkod ko ang kanang kamay at humugot ng lakas ng loob. Bakit ba ako nagmatapang kanina? Hinawakan ako ni Yale sa baywang. Tiningnan ko siya at nahuli ko ang mapaglaro niyang ngisi. I glared at him. “Don’t underestimate me, Mr. Montevista.” “I won’t do anything until you move first, Mrs. Montevista.” Tila pandagdag kumpyansa iyong sinabi niya sa akin. Kaya bago niya ako alaskahin ulit ay pinagpatuloy ko ang ginagawa hanggang sa masaid ko ang lahat sa kanya. He groaned madly and I could feel through his grip that he was affected. I felt so full in this position. And through his drunken and sleepy eyes, para akong nakaupo sa pinakamamahaling trono at siya ang alipin ko. I started at slow pacing. I was trying to accommodate the pinch of pain until it faded. Napalitan ng init at nakakalasing na sarap ang pakiramdam ko. I closed my eyes. Yale squeezed my sweaty breast. I arched my back and my lips parted as I felt the familiar building below my stomach. Then, I pumped faster. Smoother. He groaned louder and sat up to kiss my lips with so much passion. Hindi ako tumigil sa paggalaw kahit no’ng sakupin niya ang labi ko at kahit tapatan niya ito ng nag aalab na halik. Bumagal lang ako dahil… masarap siyang humalik. Pero nang dumaing ako ay pinakawalan niya ang labi ko at bumaba ang kanya sa kanang dibdib ko. Naliligo na ako sa pawis at nagmamadali ang balakang ko. I wanted him now. I wanted more. Iginaya niya ang baywang ko at ginalaw niya rin ang hips niya pataas. Tila may gumapang na nakakapasong init sa balat ko at naiiyak na sa gustong maabot. I pumped faster and faster. I cried his name and he begged for me. And when we both reached our peak, I snaked my arms on his neck and he hugged me while my body shook deliciously. His earlobe was in my mouth. I bit it and licked afterwards. Sinubsok ni Yale ang mukha niya sa dibdib ko nang makatulog. Hindi ako agad nakatulog dahil naiisip ko ang nangyari kanina. But I combed his hair until he fell asleep. Ngayon ay banayad na ang paghinga niya. It was past midnight nang bumangon ako at nagsuot ng sleeping dress. He remained naked and peacefully sleeping in our bed. Nagsuot din ako ng roba at lumabas ng kwarto. I could literally feel that my whole body was well loved while walking and I loved every bit of it. kahit ang scent ni Yale ay naiiwan sa balat ko. Pagpasok ko sa kusina ay agad na tumayo si Manang Soledad na nagkakape pagkakita sa akin. Nakapantulog na siya pero nasa mukhang hindi rin ito dalawin ng antok. “Gising pa po pala kayo,” Kumuha ako ng baso at binuksan ang fridge. Nilabas ko ang karton ng gatas. She was watching me. Then, cleared her throat. “Hindi ako makatulog, hija. Kumusta si Sir Yale?” I looked up at her and smiled a little. “Nakatulog na po. Mukhang pagod sa trabaho tapos…” I sighed. Bumagsak ang mga balikat ko. “Hindi na rin siya nakakain ng hapunan. Bukas po, pakihanda siya ng sinangag na kanin. I want him to eat heavy meals right in the morning para makabawi ng lakas.” “Makakaasa ka, hija. Pero ikaw ba ay hindi nagugutom ngayon? Gatas lang ang iinumin mo? Pwede kitang igawa ng oatmeal o salad,” Binalik ko ang carton ng gatas sa fridge. Bitbit ang baso, lumapit ako sa mesa na kinalalagyan ng kanyang tasa. “Ayos na po ito sa akin. Kailangan kong umakyat agad at baka magising si Yale. Hahanapin po ako no’n agad.” Binaba niya ang tingin sa kanyang kape at bahagyang ngumiti. “Kabisado mo na pala siya. Mawaglit ka lang sa paningin ng asawa mo, agad ka niyang hinahanap. Tuwing umuuwi nga galing opisina ay ikaw ang bukambibig. Dati tubig o kaya kape ang unang hinihingi pagkagaling sa trabaho noong binata pa. Ang laki na rin ng pinagbago niya.” Natigilan ako. Tahimik ko siyang pinagmasdan habang nakangiti ito. Ang sabi ni Vee ay siya ang nag alaga kay Yale noong baby pa. Kung ganoon, matagal na niyang nakikita ang galit ng mama nito. Humalukipkip ako at bumuntong hininga. “Manang Soledad, palagi po bang sinasaktan si Yale ng mama niya?” She stiffened and it shows on her face. May katandaan na rin si Manang Soledad pero di hamak na mas bata itong tingnan kaysa kay mama Rosalinda. I didn’t know much about her. Hindi naman siya sinama sa pagpapaimbestiga nina dad at Dylan. Wala naman kasi siyang malaking part sa gang at parang mabuting kaibigan lang ng pamilya Montevista. But I wanted to know what she knows about them. Lalo na pagdating kay Yale. She gulped nervously. Tinaas niya ang kanyang tasa at sumimsim nang kaunti. “H-Hindi naman palagi. Natural naman sa pamilya na nag aaway, hindi ba?” I closed my lips firmly and sighed. “Opo. Pero hindi dapat umaabot sa ganoon ang nangyayari. Nasasaktan si Yale. Naranasan din ba ‘yon ng dalawa niyang kapatid?” Umiling siya. “Hindi, hija. Tagapagtanggol si Yale sa mga kapatid niya.” “Dahil siya ang panganay. I understand that. But he’s already a grown-up man, Manang. Kung galit, dinadaanan na lang sa usap ang problema. Pero base sa narinig ko, sa tuwing nagagalit si mama Rosalinda ay si Yale ang nasasaktan. Hindi dapat ganoon.” “May sakit ang mama niya at naiintindihan ni Sir Yale, hija. Magmula nang mapatay—si Sir Fidel, labis na nasaktan ang asawa nito. Hindi na napawi ang madilim na panahong iyon ng pamilya niya.” “That’s not an excuse to hurt him over and over again. Hindi punching bag si Yale. Maybe his mother needs to see a Psychiatrist or what. Hindi normal ang pananakit niya sa anak pa mismo.” Namilog ang mata niya sa sinabi ko. So, ibig sabihin, tulad ni Yale ay hinahayaan na lang nilang ganoon ang cycle sa bahay na ito? I scoffed. “What about his two brothers? Pinapayagan din nila ‘yon? Hindi sila naglalatag ng aksyon?” “Matigas ang ulo ng mama nila. Hindi nagpapatingin sa doctor kung walang malalang sakit,” “At paano si Yale? Hindi ba kayo naaawa sa kanya? Tini-torture ninyo siya.” “Walang magagawa si Sir Yale kung ayaw ng mama niya,” “Kahit na po. Dapat may isa sa inyong nagpoint out na hindi normal ang pananakit ni mama Rosalinda-“ “Then, what is exactly your point, ate Deanne? Dalhin sa mental facility si mama tulad ng sinasabi mong patingnan sa Psychiatrist?” Gulat kong binalingan ang pagpasok ni Leonard sa kusina. Natigilan ito sandali at pinasadahan ako ng tingin. Consciously, hinila ko ang roba sa dibdib dahil lacy panty lang ang suot ko sa ilalim ng sleeping dress at robe. “Have her checked, Leonard.” May riin kong sabi. Namulsa siya at ngumisi. He was still wearing his three-piece suit. Mukhang umalis ulit ito kanina at ngayon ay kauuwi lang din. “Mukha bang hindi namin kilala ang ina namin, ate? Gan’yan agad ang naisip mo? Kung tutuusin ay iyon ang unang beses mong nakitang magalit si mama.” Kumunot ang noo ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya. “Lasing ka ba? Nag drive kang mag isa!” He chuckled and went nearer to the table. “Wow. Ngayon lang ko natanong nang gan’yan. Now, I can see why my brother is so into you…” I sighed. “Magpahinga ka na lang, Leonard. Bukas na tayo mag usap.” “Oh, wait wait wait! Ito na ba ang simula ng pagbabago sa mansyong ‘to? Dahil si kuya naman ang nagmana, e ikaw na rin ang reyna?” “Hijo…” Tumawa nang malakas si Leonard habang nakatingin sa akin. “Palalayasin mo na rin ba kami kapag hindi mo nagustuhan ang ugali namin, ate? Buti na lang, nagbabalak na akong mag asawa.” I tilted my head and watched how he was starting to mock me. Nakainom ito at naiintindihan ko. Pero dahil din sa alak ay lumalabas ang tunay nitong pagtingin sa akin. I appreciated those times na pinagtatanggol at nag aalala ito sa akin. But suddenly, things changed and it was inevitable. “Bakit mo sinasabi ‘yan, Leonard? Ang concern ko lang ay ang kuya mo. Nakita ko kung paano siya batuhin ng mga libro at ang sugat at bukol na natamo niya sa mama mo. Ano’ng palalayasin? Ang mama mo lang ang nag ungkat niyan at kailanman ay hindi ko naisip na gawin ‘yan.” “Oh, I’m sorry. Nakalimutan ko. Kaya mo nga palang bumili ng sariling mansyon. De Silva ka nga pala. Nakakaangat.” Mapait ko siyang nginisihan. “What, Leonard? I can’t believe na naririnig ko ‘yan sa ‘yo.” He laughed and stared at me seriously. Nakaramdam ako ng kilabot sa tingin na iyon. “I just want to say, I didn’t like what you said about my mother. Inutusan mo ‘kong palabasin siya ng study.” “Kung hindi ko ginawa ‘yon, masasaktan ulit ang kuya mo.” “My brother is used to it. Alam niya rin kung paano mapapahinahon ang mama namin. Hindi dahil naabutan siyang sinasaktan ay hindi kikibo ang kuya ko. Alam naming lahat ang dapat gawin dahil kami ang mga anak. You should have asked my help to reconcile them not to throw my mother out. What you did is wrong.” Cold washed my face. “At ngayon, dinagdagan mo ang anxiety ni mama. She has been fighting for it. She is not comfortable being with people even with our relatives. Kung sa tingin mo ay kailangang magpatingin sa Psychiatrist o Psychologist ni mama, you are welcome to join her. Baka masyado kang bilib sa sarili mo dahil nga naman ay nakakaangat ka.” “That’s not what I mean-“ “Superiority Complex, eh? Akala ko pa naman cool ka pero mas okay pa rin pala si ate Bianca. Tsk, tsk.” Inilingan niya ako bago tinalikuran. Hindi ako nakagalaw kahit nang umalis na si Leonard. This was my first time to have that kind of conversation and honestly, my confidence crumbled. Mas lalo akong natigilan nang banggitin nito si Bianca. Itong Bianca rin ba ang nagte-text kay Yale? Naiintindihan ko ang sinasabi niya. Yes. Wala pa akong ganoong alam sa nangyayari sa pamilya nila maliban sa profiles na mayroon kami nina dad. Hindi naman nakasulat doon ang pananakit at tantrum ni mama Rosalinda. It was very personal but that was why I came here. I needed to know everything about this family. Pero hindi ko naisip na mapagsasalitaan ako nang ganoon ni Leonard. Lasing man o hindi, lumabas pa rin sa bibig niya. “Sino po si Bianca, Manang?” Nahuli ko ang pagkabigla niya paglingon ko rito. She even gulped like as if somethings terrified her. “Hija…” Tumaas ang kilay ko. “Sino po siya sa buhay ng asawa ko, Manang?” I clearly demanded. She stared at me. Alam kong kilala niya at may palagay akong hanggang ngayon ay may ugnayan pa rin ang babaeng ito kay Yale. “Dating kasintanan ni Sir Yale.” She then sighed and took her cup. Tahimik akong bumalik sa taas. Hindi ko rin naubos ang gatas kaya nahiga na ako sa tabi ni Yale. Habang tinititigan ko siya, hindi ko na alam kung bakit ganito ang ginagawa ko. Now that I started to fall him… his world started to sink in me. Hindi madali. Oo, alam kong hindi madali. Sa pamilya ko pa lang. Paano ko ipapaliwanag na nahuhulog na ang loob kay Yale na dapat na inaalam ko ang plano nila kay Ruth? Pero anong nangyari? Wala pa man ding nakukuhang ebidensya, lumalambot na ako sa kanya. At ibang bagay ang nalalaman ko tungkol sa pamilya nila. Ang hirap kapag hindi ka handa. Ang hirap na kung kailan nasa gitna na ka ng gyera, nag iba pa ang trajectory ng plano mo. Umilaw ang phone ni Yale sa side table. Patay ang ilaw namin kaya kitang kita iyon. Umikot ako sa kabila. I checked and I read a new message coming from… none other than Bianca. Bianca: Kailan tayo ulit magkikita? May ibabalita ako sa ‘yo. My lips just parted even if the screen turned off the light. Binalingan ko si Yale sa kama at mahimbing ang tulog. Nakikipagkita pa rin siya sa ex-girlfriend niya at hinahayaan niyang i-text siya nito sa dis oras ng gabi? Parang may kung anong lumukot sa dibdib ko bago ako humiga sa tabi niya. Sa sumunod na araw, hindi ako pinapansin nina mama Rosalinda at Leonard. Tinitingnan kami ni Rock pero hindi kumikibo. Si Yale ay palaging nakatingin sa akin. I tried to be civil with them. Even to Yale. Nagplano agad akong umalis ng bahay. Suddenly, I felt the suffocation after what happened last night. Kaya nagpaalam ako sa kanyang aalis. “Saan ka pupunta?” kunot noo niyang tanong habang binubotones ang itim na longsleeves polo. Inalis ko sa hanger ang grey coat niya at lumapit dito. “Pupunta sa kaibigan. Ang tagal ko nang hindi nakakausap si Dawn. Remember her? My bestfriend.” Umikot ako sa likod niya para masuot nito ang coat. Tumango siya at inulusot ang braso sa butas. “Ofcourse. Ipapa-drive kita kay Monching. Isama mo rin si Vee.” Umirap ako. “Ang dami kong chaperone.” Bumuntong hininga siya at hinila ang braso ko. Tapos ay hinila ako sa baywang habang natatawa ako. He lifted up my chin and kissed my lips. I smiled at him. I stared at his very handsome face. “I’ll be in peace if you are with them. Please…” “May magagawa ba ako? Kaysa naman hindi mo ‘ko palabasin.” “Hindi talaga.” Sabay ngisi at halik ulit. Hinampas ko ang kamay sa dibdib niya at tumawa. Pagkaalis niya ay saka ako nagbihis at umalis kasama sina Vee, Monching at Ian. Binigay ko ang address ng bahay na tinutuluyan ni Grey. Pagdating namin doon, pinaiwan ko na sina Vee sa sasakyan. Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot. Aalis na sana ako kung hindi ko lang sinasadyang matulak ang pintuan. “Baka may tao sa loob, mam.” Komento ni Vee habang tinitingnan ako. Nilingon ko siya. Lumunok ako dahil medyo kabado. Kapag nakita nila si Grey, tiyak na malalaman ni Yale na hindi si Dawn ang sinadya ko. Kaya tinulak ko pa ang pinto at pumasok na sa loob. “Grey? Nandito ka ba?” Inikot ang baba. Medyo magulo at parang dinaanan ng bagyo. Ang gitara niya ay nakahiga sa sofa. May pitsel ng tubig sa lamesita at baso. Tumingala ako sa kisame. Baka nasa taas? “Grey?” Nilakasan ko ang boses pero walang bumababa. Umakyat na ako sa hagdanan. Naabutan kong bukas ang pinto ng kwarto niya. Kumunot ang noo ko. Dahan dahan akong lumapit at naririnig ko ang bulungan na nanggagaling doon. Paghinto ko sa harap ng pinto… sumilip ako. “Gre—” I even halted my breath as I saw him lavishly kissing my best friend. Nakahiga si Grey na walang pang itaas at tanging pantalong maong ang suot. Napatong naman sa ibabaw niya si Dawn na suot pa rin nang buo ang damit. And they were making out! Or maybe a little later something might happen. Nagtatakbo ako pababa ng hagdanan at palabas ng bahay. “Wala ngang tao, mam?” Dumeretso ako ng sakay at pinaandar agad iyon. “Umuwi na tayo. Balik na lang tayo bukas.” “Okay, mam pretty girl.” Wala akong kinuwento kay Yale pag uwi niya. Sinabi kong walang tao sa bahay ni Dawn kaya umuwi na lang ako. Pero kinabukasan din ay umalis ulit ako at bumalik sa bahay ni Grey. He was alone, then. At kung makatingin sa akin ay parang ang laki ng problema nito. “Anong ginagawa mo rito? Alam ba ‘to ng asawa mo?” I sighed. Nasa sala kami. Naglinis naman siya at mas maayos ngayon ngayon ang bahay kaysa kahapon. “Nakausap mo na ba si Tita Weng? Nag aalala sila sa ‘yo. Dalawin mo naman sila sa bahay.” Natigilan siya at manghang nag angat ng tingin sa akin. “Ito lang ba ang pinunta mo rito, Deanne? Nag spare ka pa ng oras, ha. I’m okay. Kapag nakausap mo ang parents ko, sabihin mo ‘yon. Umalis ka na at baka kung ano na naman ang sabihin sa akin ng asawa mo.” “Nag aalala sila sa ‘yo at Baka kung ano na ang ginagawa mo sa sarili mo. Ni hindi ka raw tumutupad sa kontratang pinirmahan mo kasama sina Marc.” He smirked. “Ah ‘yon ba? Bakit hindi mo itanong sa makapangyarihan mong asawa.” “Ano’ng kinalaman ni Yale rito?” Biglang binalibag ni Grey ang baso sa mesa at matapang akong tiningnan. Kung dati ay mukhang style niya ang hindi pagsusuklay, ngayon ay hindi na maganda ang imahe ng kanyang itsura. Hindi nag aahit at mukhang hindi na rin nakakaligo. Pinababayaan na niya ang sarili. “Paano ka pinayagan ng parents mong ipakasal sa ganoong uri ng tao ha, Deanne?! Hindi niyo ba siya pinaimbestigahan? Hindi niyo inalam ang pagkatao?” Namangha ako sa mga sinasabi niya at pati sa mukha niya. “Grey-“ “Pinagpalit mo ‘ko sa isang miyembro ng gang, Deanne!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD