“Declare them guilty, O God! Let their intrigues be their downfall. Banish them for their many sins, for they have rebelled against you.” – Psalms 5:10 ** Chapter 29 Part 1 Deanne “Noong nag usap tayo sa isla at pagkatapos mong umalis, hinarangan ako ng mga tauhan ng asawa mo at dinala sa isang kwarto. Hinarap ako ni Yale Montevista. Sinikmuraan ako at pinagbantaan na ‘wag na wag akong magpapakita kailanman sa ‘yo. Dahil kapag nilapitan pa kita ulit, pababagsakin niya ang career ko at kaya niya akong dalhin sa hukay!” Agad na namula ang mukha ni Grey sa tindi ng galit. Nanlilisik ang kanyang mga mata at tila nangatal ang kanyang ngipin. I hadn’t seen him like this before. Ngayon ko lang siya nakita sa ganitong estado ng galit. Pero… ano’ng sinasabi niya? Tinakot siya ni Yale sa isl