Chapter 30 Part 2 Deanne But I didn’t mind much. Bumuntong hininga ako pagkakita sa asawa ko. He stepped forward. Nagkatinginan sila ni Bianca. She smiled at him. Ngiting may halong pag iintindi sa nangyayari o sa kung bakit nandito ako ngayon. Yale didn’t give any reaction to her. Tiningnan niya ako agad pati ang in-order kong nasa mesa. Inirapan ko siya at humalukipkip. Paano niyang nalamang nandito ako? Sinabi ba nina Monching o… tinawagan siya ni Bianca? Kung nakakamatay lang ang irap na ginawa ko kay Yale, bumulagta na siya ngayon. “Love,” Marahan akong sumimsim sa tubig. Nakatayo na silang tatlo habang hindi ako kumikilos sa upuan ko. “What are you doing here?” Pangisi kong binaba ang baso. Nakakatawa siguro ang itsura ko ngayon. Nakatanghod silang lahat sa akin na