“The LORD looks down from heaven on all mankind to see if there are any who understand, any who seek God.” – Psalms 14:2 ** Chapter 31 Deanne Para akong sinusuntok sa dibdib habang malamig akong tinititigan ni Yale. Ang liwanag na galing sa siwang ng pinto sa study ang tangi naming ilaw pero nababakas ang kawalan nito ng buhay sa mata habang nakatitig sa mukha ko. Nakaramdam ako ng pinaghalong takot at lungkot. At para akong matataranta nang itago niya phone ko at akusahan akong nagmamatyag sa kanila. Akusa, Deanne? It was true. Nahuli ka na niya! Nang simulan kong gawin ang tunay na pakay sa pagpapakasal sa isang Montevista, ang tapang tapang ko dahil alam kong kakayanin ko. Nariyan sina Dad at Dylan. Sina Uncle Reynald at Uncle Matteo. Ang buong angkan ng De Silva ay nakasuporta