Chapter 19

4086 Words
“Taste and see that the LORD is good; blessed is the man who takes refuge in him.” – Psalm 34:8 NIV ** Chapter 19 Deanne Agad akong naligo at naglinis ng katawan. I almost forgot about my period. Sa sobrang busy ng utak ko, hindi ko inaasahang magkakaroon ako ngayon. Buti at hindi na-delay dahil sa mga kabang naramdaman ko nitong nakaraang linggo. Sa bilis ng pagbabago sa buhay ko, hindi ako magtataka kung ma-delay kahit ang menstruation ko. Lumabas ako sa banyo nang nakaroba at towel sa buhok. Nakaupo na sa gilid ng kama si Yale nang madatnan ko roon. Hindi maayos ang pagkakatali ng roba niya. Kaya nakalitaw ang dibdib niya at wala siyang pakielam kung makitaan man. He looked up at me. Pinasadahan niya ng pagapang na tingin ang buong katawan ko. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko para kumuha ng bagong damit. I eyed my wedding gown. Nakahandusay iyon sa couch. Pagkatapos kong magbihis ay aayusin ko na iyon. Ramdam ko ang paninitig ni Yale sa likod ko. Sa ilalim ng roba ay may suot na akong bra at panty. Plus, my sanitary napkin. Kabado pa rin ako sa pag iisa namin sa kwarto. Pero ‘yung nangyari kanina sa kama . . . wala akong pinagsisisihan doon. Ginusto ko rin. Kung may nangyari pang mas higit roon, gusto ko pa rin iyon. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Baka totoong tawag ng laman iyon. Dahil nagwapuhan ako sa kanya. Ang babaw man pakinggan. Kaso no’ng naliligo at binalikan ko ang ginawa namin, higit pa iyon sa pagnanasa. Well, yes, ofcourse may lust iyon pero ramdam ko hanggang buto na hindi lang natatapos iyon sa lust. Frankly speaking, I still want him. Maybe my libido’s screaming his name but after my period came, my blood is still excited to feel his again. To know that I am anticipating his next touch is insane on my part. Nagkagulo gulo na ang sistema ng katawan ko’t utak. Tapos heto pa siya. Kung makatitig ay para bang may utang ako sa kanya. “Are you going out, love?” “Mm, pauwi na ang ibang guest, ‘di ba? Ihahatid natin sila?” He sighed heavily. Parang hindi niya gusto ang sinabi ko. Pagkapili ko ng isang sundress ay binalingan ko siya. I almost bit my lip. Then, forced myself not to take a glimpse of his. “Hindi ka bababa sa Mama mo?” Tumaas ang kilay niya. I pouted my lips. Hindi ba siya aware na nadinig ko ang pinag usapan nila kanina Rock? Kaya gan’yan ang reaksyon niya. “Bakit ‘di ka pa mag ayos at bumaba na. Naghihintay sa ‘yo ang Mama mo.” “Sabi ko mamaya na lang. Pagod tayong dalawa.” “Naku. Okay lang ako. Sapat na ang tulog ko kanina. Pero kung gusto mo pang magpahinga, iiwan kita rito at ako’ng bahala sa mga guest.” Tumayo si Yale at lumapit sa akin. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. He snaked his arm around my waist and pulled me against his body. He lowered his face and put his mouth on mine. He sucked my lower lip and I gasped after I felt the familiar force of his desire. Isang beses niya iyong ginawa bago nilipat ang labi sa leeg ko. I think he smelled my skin and he planted a very soft kiss on it. Nanindig ang balahibo ko. Pero hindi na gaanong kalakas ang init nito kumpara kanina. Kaya ko na siyang itulak lalo pa’t may mens ako ngayon. He buried his face on my neck. Pinasada niya ang kamay sa likod ko. He felt my brassiere. Kumurap ako. “Can’t we just stay on bed all day, love?” he whispered like he’s begging to me. “I’m sorry. My mens came today.” Binitawan niya ako at may pagtataka akong tiningnan. “Mens?” “My period.” Nakita kong natigilan siya bago nagsalubong ang dalawang kilay. “You mean to say . . .” Para akong mapapangiwi sa hindi niya masabi sabing salita sa akin. Alam kong gustong niya kaso hindi pupwede ngayon. Sa huli, ang mukha niya ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. “Sorry. We can’t do ‘it.’” Napaisip pa siya ng ilang segundo bago niya ako tuluyang naintindihan. He then disappointedly nodded at me. “It’s alright. I can still wait.” “Are you upset?” “No. Just . . . a little, ofcourse. Ilang araw?” Sa pagkakatanong niya, kumalabog agad ang dibdib ko. Gosh. Is he going to count down the days until he could finally spread my legs? “Uh, five-er-seven days.” “One week?” “Oo.” He nodded repeatedly like as if he’s still thinking about my answer. Usually, five days lang ang period ko. Pero para ma-prolong ko ang paghihintay niya, ginawa kong seven. Well, I’m not totally lustful towards him after all. Hinila niya ako at niyakap nang mahigpit. Tila ako unan na naggigigil na niyapos. Kaunting higpit pa ng yakap niya ay magkakabali bali na ang mga buto ko. It’s too intense and yet warm. Iyong yakap na hindi mo madaling makalimutan. “I’ll wait, love. Whatever is going on to you, my hunger can wait. You first before me.” It’s nice to hear that coming from him. Hindi niya rin ako agad na pinakawalan kaya niyakap ko na rin ang mga braso ko at tumitig sa sahig. I noticed, there’s still similarities between boyfriend and girlfriend status to husband and wife status. My touching, kissing and sweet endearment. Ang pagkakaiba, sa iisang kwarto na lang kayo natutulog at may legal na kontrata ang mag asawa. Wala kami no’n ni Grey. I was sweet to him. We kissed. We touched. Pero hindi kasing intense nang ginagawa ni Yale. Siguro dahil legal na niyang magagawa iyon. Napaka-obvious naman. Hindi tulad ni Grey na kung kailan free ang schedule ay saka kami magkikita. Though, ganu’n din ako sa kanya. Kaya nga agad akong pumayag sa mag spy sa Montevista na ito dahil na experience kong magka-boyfriend. Ang hindi ko napaghandaan ay ang buhay may asawa at kung paano siya tatratuhin. Malibang samantalahin ko lang ang pagkagusto niya sa akin. Malakas lang talaga ang loob kong pasukin ang gyera na ito para kina Dylan at Ruth. Iyong dahilan na ‘yan ang nagpapatatag sa desisyon kong magpakasal kay Yale Montevista. Na balang araw, makikita kong magkasama na silang dalawa. Masaya at nahismasmasan na ni Ruth ang kambal ko. Some part of our lives, we needed to dare ourselves to see our capabilities. We needed to sacrifice a bit of ourselves to the people we loved. And I am truly hoping that after this charade, it will be worth it. Tahimik kong sinundan ng tingin si Yale nang papasok ito sa banyo para maligo. Naintindihan niyang hindi kami pwedeng magtalik. Hindi siya nag-suggest na gawan ng paraan o kahit makeout na lang. Wala siyang ibang hiningi sa akin. Hanggang saan kaya ang pasensya ng taong ito? Agad akong nagbihis. Panay ang lingon ko sa pinto ng banyo. Naririnig ko ang pagbagsak ng tubig sa tiles. I saw his phone on the side table. Lumapit ako roon at binuksan ang phone niya. But there’s a password. I bit my thumb. Kailan birthday niya? Shucks. Hindi ko alam. At malabong birthdate niya ang gagawing password sa phone. Birthday ng Mama niya? Uh, no. Parang ang labo. Hindi niya siguro gagamitin iyon. Ng Papa niya? Hindi ko rin alam kung kailan iyon. Nakatingin ako sa screen ng phone nang may pumasok na notification. He’s using a text messaging app at may chat itong si Bianca. Bianca: Yale? I stared at her name and her short text. “Sino ‘to?” First name basis. So, close sila? Bakit parang may something sa pagkakatawag niya sa pangalan ni Yale. May problema siya? May gustong sabihin pero naniniguro munang si Yale lang ang makakaalam? Or baka nami-miss siya? Sinu sino nga ba ang mga kaibigan ni Yale? Sabi nina Leonard kaunti lang tapos nasa ibang bansa na. May babae rin kaya? Sa isip ko, puro lalaki since mukha siyang suplado sa personal. Pero pwede ring may babae. May mga girls na gusto ang suplado. Na curious tuloy ako kung paano sila mag usap nitong Bianca. Nagmamadali kong binaba ang phone nang marinig ko ang pagpihit ng door knob sa banyo. Patay malisya kong kinuha ang hair brush ko. Umupo ako sa gilid ng kama na magulo pa. Naamoy ko ang sabong ginamit ni Yale. Iyon din ang ginami ko at kumalat ang bango sa bedroom. Tiningnan niya lang ako at nginisihan. I sighed and brushed my hair. Nang bumaba kami, hindi ko na naabutan sina Dylan, Ruth at pati si Leonard. Maaga raw umalis ang kambal ko. Ang sabi ni Nick ay mainit na naman daw ang ulo. Kaya tinext ko agad. Ako: Where are you? Bakit hindi ikaw ang naghatid kay Ruth? Ilang minuto ang nakalipas ay saka ito nag reply sa akin. Dylan: Pinupormahan ni Leonard si Ruth. Ako: What? Are you certain? Dylan: Yes Tila may bumundol sa dibdib ko pagkabasa ng text niya. What the hell? After that text, sinubukan kong maging casual sa mga pauwi naming guest. Kasama si Yale, nagpasalamat kami at hinatid sila sa sasakyang chopper. Pagdating ng hapon, wala nang guest ang naiwan sa isla. Maliban sa ibang pamilya ko na nagpaiwan muna at kinabukasan na lang uuwi. Ang mga pinsan ko ay maaga ring uuwi. Later on that day, kasabay ng pag aalala ko kina Dylan at Ruth, nagka dysmenorrhea ako. Halos mamalipit ako sa sakit kaya maaga akong natulog. I just texted my parents na masakit ang puson ko. I have to text my cousins, too. Kaya si Yale na lang ang naghatid sa kanila nang sunduin na ng chopper. But I kept on texting my twin. Ako: I will do something. I’ll try to ask Yale. Dylan: Don’t ask him. Baka makahalata. Ako nang bahala On the third day of our marriage, umuwi na rin ang Mama ni Yale at si Rock sa manila. Tumayo na ako at sinamahan si Yale na ihatid sila. Hindi masyadong mangiti ang Mama niya. “Hihintayin ko kayo sa mansyon.” I smiled at her and kissed her on the cheek. “Ingat po, Ma’am.” “‘Mama’ na rin dapat, ate Deanne. Dapat magsimula ka nang masanay. Hindi ba, Kuya?” Ngumiti lang ako sa sinabi ni Rock. Hinapit ako sa baywang ni Yale. Tumayo ko ng tuwid sa tabi niya at panay ang ayos ko sa nililipad na buhok. “Masasanay din ang asawa ko, Rock.” Umismid si Mrs. Rosalinda Montevista. “Tara na nga, hijo. Baka mainip ang piloto.” “Ingat po kayo.” She forced herself to look at me. “Salamat, hija. Kayo rin.” Her eyes stayed at me for about four seconds. Ngumiti lang ako. Pero nang makasakay na sila sa chopper at lumipad sa ere, naisip kong, hindi niya talaga ako gusto o hindi magugustuhan. Which, I really don’t mind. But if Leonard will pursue Ruth to be his girl, mananalo pa rin ang mga Montevista. Ano na ngayon? Mawawalan ba ng saysay ang pagpapakasal ko? Well, it’s too early to predict. I still have ways to unearth their plans. Pareho kaming nakatingala ni Yale sa papalayong chopper lulan ang mama at kapatid niya. He wore shades. Ako ay hindi kaya nagbaba agad ako ng tingin mula roon. I blinked back my eyes to moisture it. Humalukipkip ako at tumingin sa dagat. Hapit pa rin niya ako sa baywang. Stupid! I should have considered it. They are desperate to have Ruth in their family. Oo, ayaw ni Yale dahil sa akin siya nagkagusto. But he still has two brothers. Maaaring ayaw ng mama niyang si Rock ang manligaw kay Ruth. Damn it. Willing din si Leonard. Ang impression ko pa naman sa pangalawang kapatid na iyon ni Yale ay chic boy at magaling mambola. Not that Rock couldn’t do it. Pero palabiro si Rock. The playful one. And their eldest brother is the mysterious type. Nandito kami ngayon sa isla. Hindi ko mabuksan ang phone niya . . . kung palihim. Pero pwede kong gamitin iyon dahil asawa na niya ako, ‘di ba? I want to have an access to his phone. Sigurado akong may mga transactions iyon na pwede kong mabasa at madugtong sa hinahanap namin. At paano ko gagawin? First, akitin ko siya. What? Hindi ko pa ba nagagawa? Gosh. Ngayon pa lang, nanlalamig na ang mga palad ko. Ano una kong gagawin? Yayakap ako sa kanya? Bumaling ako sa kanya na hanggang ngayon na nakatingala pa rin sa malayo nang chopper. Tumikhim ako. Kinalas ko ang mga braso mula sa paghalukipkip at unti unti ko iyong inikot sa baywang niya. He abruptly looked down at me. Mabilis kong nakuha ang atensyon niya. Tumingala ako sa kanya. Hindi ko makita ang mata niya. Kinabahan ako. Ang nakikita ko ay ang sarili ko sa salamin na suot niya. “Yale . . .” Tinawag ko siya sa mababang tono. Muntik pa nga akong matawa dahil malapusa na ang boses ko sa lambing. So, I distracted myself by tightening my arms around him. Ginawaran niya ako ng halik sa noo at hinaplos ang pisngi ko. “Do you want anything?” That makes me smile. I nodded at him. “Umuwi na rin kaya tayo sa manila, mm?” “Gusto mo nang umuwi? Pero nasa honeymoon pa tayo, love.” “May mens ako. Ano nang gagawin natin dito? Sa manila, pwedeng magpunta tayo sa Peyton at maka-bonding ang mga pinsan ko. Mabo-bore lang tayo rito,” “Ayaw mo bang . . . tayo muna ngayon? I want time alone with you.” “We can spend our time in your mansion, right?” I put excitement in my voice to urge him to come home in manila. “Ofcourse, love. Pero iba pa rin kung tayong dalawa lang dito. Walang distraction. Malayo sa work. I just want you alone and nothing else. Why do you want to go home? We’re still in our honeymoon.” “Naisip ko lang naman. Kung ayaw mo pa, edi ‘wag.” Inalis ko ang mga braso sa baywang niya at humalukipkip ulit. Nagkamali yata ako. Akala ko madali ko siyang mapapasunod. Naiintindihan ko naman na gusto niyang dumito muna since alam ng lahat na honeymoon ito. Dapat yata hindi muna ako nagtangka, ano? Iyong phone muna talaga niya ang pinuntirya ko. Wrong, wrong move, D. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Alam kong pinapanood niya ako. Kaya humakbang palayo sa kanya at naglakad papasok sa loob ng villa. Nakakakalat ang mga naiwan niyang mga tauhan sa labas. Iyong iba ay sumama na sa mama niya pauwi. Pero si Dos at iba pa nitong kasamahan ay nandito pa rin. “Love,” Pinigilan ako ni Yale sa siko bago ako makapasok sa entrance ng villa. Pinigilan ko rin ang sariling ‘wag ngumisi bago ako humarap sa kanya at um-acting na nakasimangot. I didn’t look at him. Tinaas niya ang chin ko pero hindi pa rin ako nakatingin sa kanya. “Kung gusto mo talagang umuwi na, uuwi na tayo.” I faked a sigh. “’Wag na lang kung napipilitan ka.” “Kaysa naman ikaw ang mapilitan na manatili rito pero ayaw mo.” “Hindi naman sa ayaw ko. Pero wala naman tayong gagawin na. Hindi tayo pwedeng mag- . . . ano, ‘di ba? O, ano’ng gagawin natin dito? Ayoko ring mag swimming. Ikaw lang. Manonood ako ng TV?” “I won’t go on the beach if you aren’t with me.” “Tsk.” Inalis ko ang kamay niya sa chin ko at yumuko. Yumuko rin siya at hinanap ang mga mata ko. “Do you want me to call the pilot?” “Tsk. Hindi na.” “Akala ko gusto mong umuwi?” Hinanap niya ulit ang mata ko nang umiwas ulit ako. “Nagbago na isip ko. Next week na lang.” “You’re not sure.” “Hindi na nga!” angil ko at angat ng tingin sa kanya. Ngumiti siya at pinirme niya ang mukha ko. “This is your first tantrum as my wife.” He lowered his face and claimed my lips. Hinampas ko siya sa dibdib dahil sa bigla niyang paghalik at dahil nasa paligid sina Dos. Tiyak na nakikita at naririnig ang sagutan namin ni Yale. Pero ayaw na niyang alisin ang labi niya sa akin kahit pa nangingiti na ito sa paghampas hampas ko sa kanya. Hindi na nga kami umuwi agad sa manila kahit isang beses pa niya akong niyaya. Siya pa talaga ang nag aya. Siguro ay para inisin ako. Hindi ko naman pinatulan. “Meron ako ngayon. ‘Wag mo ‘kong bwisitin.” Panakot ko sa kanya. Inabot niya ang ilong ko at kinurot. “Ang sungit ng misis ko.” Naghahapunan na kaming dalawa. Hindi na masakit ang puson ko. This time, naa-appreciate ko ang bakasyon na ito. This is also a good way na makilala si Yale. I’ve noticed, he looks relaxed with me. Siguro dahil malayo nga sa trabaho at walang umistorbo. Tuwing nagkakatinginan kami, hindi man nakangiti ang labi niya, nakangiti naman ang mga mata niya sa akin. Iniirapan ko siya at saka ako ngingiti. Para kaming mga teens kung umasta. Which, I found funny rather than annoying. Pagkatapos naming maghapunan, pumunta kami sa tabi ng dagat. Gumawa ng bonfire si Yale. May nakahanda na roong manipis na kutson, kumot, inumin at pagkain. Umupo ako sa kutson at nilagyan niya ako ng kumot sa mga balikat ko. I smiled at him and held the hem on my chest. I stretched my legs and watched him making the fire. There’s no music other than the waves. There are no other people watching other then the stars above. Maaliwalas ang langit at walang banta ng ulan. Ang kanyang mga tauhan naman ay pinalayo niya sa amin. Nang maging sapat na ang apoy, tumabi sa akin si Yale at naki-share sa kumot. Kinuha niya ang kamay ko at hinipan para bigyan ng init. Natitigan ko siya roon matapos niya akong ngitian. He then watched the flames and listen to the crackling sounds of woods. I felt him intertwined our fingers like he used to. Nakapatong ang mga kamay namin sa hita ko. Ginaya niya ang pwesto ng mga binti ko. “Do you believe in miracle, Deanne?” Kumuha ako ng pagkain sa basket. Binuksan ko ang takip na tela sa bowl na may potato chips. I looked back at him and then put the bowl in between us. “Oo.” He’s still watching the flames. “Pareho pala tayo.” I smirked. “Nu’ng tumino sa babae si Dylan, himalang maituturing ‘yon.” He grinned. Yumuko siya at inangat ang magkahawak naming mga kamay tapos ay tiningnan ako. “Ito naman ang akin.” Bumagal ang nguya ko sa chips. Nanatili siyang nakatitig sa akin. “You . . . are my miracle, Deanne Montevista. You.” “B-Bakit ako?” “Dahil nakuha ko ang pinakamailap na babaeng nakilala ko buong buhay ko.” “Bola.” “You still had a boyfriend when we met. But now, I’m your husband.” “Uhh. Ang sabi mo nga maghihintay ka, ‘di ba?” “Yes. I’d do everything to have you.” “Everything? Naku. Baka masama na ‘yan, ha. ‘Wag kang gan’yan.” He chuckled and kissed my cheek. “But you surprised me. Pumayag kang magpakasal sa akin kahit . . . kahihiwalay mo lang sa ex mo. He even came to our wedding.” Natigilan ako. Binaba ko ang kamay na hawak pang chips na isusubo ko sana. “Hindi ko pa nakakausap si Dawn. Sorry. Wala talaga akong alam na dumating si Grey,” “He’s not a problem to me. Inisip kong . . . sobra kang nasaktan sa hiwalayan niyo kaya ka pumayag na pakasalan ako.” “That’s not true!” “Really?” I opened my lips to give him the right reason of why Grey and I broken up but I immediately halted myself. Pinaglapat ko ulit ang labi at bumaling sa dagat. Hinila niya ako at niyakap. “I’m sorry. ‘Wag mong sagutin kung hindi ka kumportableng pag usapan.” “Pero bakit mo iyon binanggit? Hindi ba masasaktan ka lang kung kukumpirmahin ko ang inisip mo?” “You were hurt by someone you loved. I am willing to be his replace for you.” “Yale,” I married you for other reason. “Don’t answer it. Sorry.” Bumaling siya ulit sa bonfire at tumahimik. Hinaplos haplos niya ang kamay ko sa ilalim ng kumot. I sighed. “Nalaman kong may . . . nabuntis na babae si Grey.” He stiffened but I continued. “Ramdam ko namang may nagbago sa kanya kaya nakipag cool off ako. Bago ko pa iyon nalaman. Kaya hindi niya alam na nagpakasal ako sa ‘yo. Pumunta siya rito para makasiguro. Naniwala siyang hindi ko ‘yon magagawa sa kanya. We had eight years.” “Pumunta siya rito dahil akala niya kayo pa rin?” Tumango ako. “Cool off lang kami. Pero nagdesisiyon na akong pakasalan ka.” “You still . . . love him when you became my fiancée?” Nagkibit ako ng mga balikat. “But I hated him. He betrayed me. Kung mahal ko pa siya, sana hindi ako pumayag sa proposal mo.” I think, what I couldn’t bear is to be with Grey even if I am still aware that he cheated on me. Sobra na iyong nagkaanak siya sa iba. Hindi ko na matatanggap ang dishonesty niya pati ng mga kabanda niyang alam na may anak na siya. I looked at him. “Marriage is a serious commitment, Yale. Hindi ako gagawa ng mahalagang desisyon nang hindi mababaw ang dahilan ko.” And my marriage with you is not all about love. It’s all about discovering the evil plans of your family to Ruth. Something inside me tells me to show to him what’s really in my mind. Kasi kapag tinititigan ako ni Yale . . . kapag sinasabi niyang mahal niya ako . . . nagiging masama ang pakiramdam ko. I still don’t trust you. Ofcourse. If he can trust me, well, I can’t do the same to him. All I know is, I know what I heard. So, I know what I want to accomplish. And this heart to heart talk will be part of my charade. Maaaring ilang buwan o linggo mula ngayon, maghihiwalay na rin tayo. This is not just a light fight. But a war. I am now willing to give myself for you. In return, I will have an access to all your hidden information. This is risky. I gambled myself for my loved ones. He kissed the back of my hand stared at me. “Tatanggapin ko lahat ng rason mo kung bakit mo ‘ko pinakasalan. Dahil mahal kita, Deanne. Mahal na mahal kita.” My lips parted and I only stared back at the sincerity and intensity of his eyes towards me. Sana ay kaya kong hukayin ang tunay na nilalabas ng tinging iyon sa akin, gagawin ko. He still didn’t demand to know my feelings for him. Baka maaga pa. Pero sa mga susunod na araw ay umaasa akong magsismula na siyang magtanong. Nang lumalim ang gabi, nagdesisyon na kaming umakyat sa kwarto. Palaging nakayakap si Yale sa likod ko. Patay na ang ilaw pati ang lamp. Hindi ako agad nakatulog dahil naririnig ko pa rin ang boses niya sa isipan ko. Nagkaroon ng liwanag nang umilaw ang phone ni Yale na nakapatong sa side table. Binalingan ko siya kung nakita niya pero tulog na ito at relax na ang kanyang paghinga. Inabot ko ang phone niya at tiningnan ang notif sa screen. Bianca: Nagpakasal ka na raw? Kumunot ang noo ko. Bianca again? Sa ganitong oras, nagt-text pa? Pinatay ko agad ang ilaw ng screen nang bahagyang gumalaw si Yale sa likod ko. I bit my lip and didn’t move. Nang maging kalmado ulit siya ay binalik ko na ang phone niya sa pinanggalingan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD