Chapter 20

4863 Words
Praise the LORD, O my soul, and forget not all his benefits-who forgives all your sins and heals all your diseases.” – Psalm 103:2-3 NIV ** Chapter 20 Deanne “Ma’am juice po,” Mula sa pagbabasa ng libro, nilingon ko ang nakakulay kremang uniform na babaeng nagbaba ng tray sa katabi kong mesa. Chineck ko kung ano iyon kahit sinabi na niyang juice. It’s an orange juice with little red umbrella and sliced of orange hanging over the rim. Kumunot ang noo ko at tiningala ang babae. “Hindi naman ako nagpahingi niyan, ah.” Nag iisa lang ako sa sun lounger at nasa lilim ng mataas na puno. Kahit mga tauhan ni Yale na nagkalat sa isla ay hindi mahagip ng paningin ko. O baka hindi lang siya nagpapakita sa akin para hindi ako maistorbo sa pagsisiyesta ko? Pagkababa niya sa baso. Tumayo siya ng tuwid at ngumiti nang matamis sa akin. “Si Sir Yale po ang nagpadala, Ma’am. Dalhan daw po kayo at baka kayo nauuhaw.” “Nasaan ba ang Sir mo?” “Sa loob po, Ma’am. May kausap sa phone.” I sighed. Ewan ko at kamuntik ko pang irolyo ang mga mata ko sa narinig. “Okay. Salamat.” “Sige po, Ma’am. Enjoy po!” Nginitian ko siya bago ito umalis at iwan akong mag isa sa tabing dagat. Tiningnan ko ang mataas na baso na nagpapawis na ang katawan sa lamig. Kinuha ko iyon at sumimsim. I smiled after I tasted its natural sweetness and coldness. Na nagpakilig nang kaunti sa akin bago ko binalik iyon sa tray. Bumalik ako sa pagkakahiga sa sun lounger at tinaas ang libro. Hindi ko na muna binaba ang sun glasses kong nasa taas ng noo ko. Mamaya na lang siguro kapag inantok ako. Susubukan kong umidlip dito sa labas tutal ay hindi na masakit ang sikat ng araw sa balat at ang sarap pang pakinggan ng pagtama ng alon sa buhanginan. But I looked back at the villa behind me. Iniwan ko roon sa kwarto ni Yale. May kausap ito sa phone at dinig kong galing sa opisina lang niya ang tumawag. Hindi na ako nakinig dahil hindi naman interesting. Parang may dumating yatang VIP guest sa hotel niya at nagka-casino. Hinahanap siya pero dahil wala siya roon ay tumawag ang taga hotel sa kanya. Secretary niya siguro iyon. May binibilin siya at seryoso mag usap. Bumuntong hininga ako at nilipat ulit ang atensyon sa libro. Kakasimula ko pa lang sa binabasa. Palipat lipat ang naiisip ko. Hindi mapirme ang utak ko kaya kung minsan ay lumalampas ang paningin ko sa kulay asul na dagat. I wore my white shorts and yellow halter top blouse na fit na fit sa katawan ko. Nilugay ko ang buhok ko. I didn’t wear any jewelries except sa gold wedding band sa daliri ko. Ang sarap sanang magtampisaw sa tubig kaso meron ako kaya hindi kumportable sa akin. Ayoko namang mag extend pa kami rito para lang mag swimming sa isla nila. Sa ibang pagkakataon na lang siguro. Or sa pool nila sa mansyon pag uwi namin. I was chewing my lower lip when I remember him this morning. Nauuna siyang nagigising sa akin. Pagmulat ko, nakatayo si Yale sa may glasswall na wala nang kurtina. Walang pang itaas pero nakapantalong maong. Hindi nakabutones. Nataas lang ang zipper. I saw the upper part of his ‘v’ and his muscled abdomen. Hawak niya ang cellphone at seryoso ang mukha habang may tina-type roon. Sinasagot na kaya niya ang chat ni Bianca? Ano kayang sinagot niya? Did he tell her he’s already married so she should stop texting him at midnight? Kasi parang hindi magandang tingnan? My eyes travelled on the wide ocean. May isa o dalawa akong nakitang barko pero napakalayo kaya mukha silang anino sa ibabaw ng dagat. Bakit hindi niya in-invite ‘yung si Bianca? Matagal na silang nagpe-prepare sa kasal ng mama niya. Wala ba siya sa listahan? Bakit naman? Tumitig ako sa dagat. Kinutkot ko ang dulong bahagi ng pahina ng libro. I was lost in my thoughts. Kaya nang marinig ko ang pagkapunit ng papel ay suminghap ako. “Shucks! Nasira ko pa!” I folded my legs up. Pinagdikit ko ang dalawang binti at sinandal doon ang nakabukas na libro. Tinuwid ko, pinagdikit at pinalantsa ng daliri ang napunit na pahina. Maliit lang naman ang sira. Hindi mapapansin kapag binalik ko sa room ni Yale. Pero s’yempre nakakakunsensyang makasira ng gamit na hiniram ko lang. “Lalagyan ko na lang ng tape at baka meron sa villa,” Bumangon ako. Umupo ako sa gilid ng sun lounger. Tinaob ko ang nakabukas na libro roon para hindi mawala ang pahina ng napunit ko. Hihingi ako ng tape sa staff ng villa para maayos ko ang nasira. Sumimsim ako sa juice bago tumayo. Pagsampa ako sa sementadong bahagi ng lupa, nahagip ng paningin ko ang pagdaong ng isang bangka lulan ang nasa apat na kalalakihan. Bumaba ang lalaking nasa harap para hilahin na lang ang bangka. Tumawa ang katabi niya at bumaba na rin. Parang napilitan dahil ayaw yatang mabasa ang pantalon. Ang dalawang naiwan sa bangka na hindi bumaba ay inayos ang mga dalang tikles, isang malaking basket na puro prutas ang laman at sako. Pagsadsad ng bangka sa pangpang, pinagtulungan nilang ibaba isa-isa ang mga dala. Madami iyon at mukhang kakailanganin ng tulong. Walang ibang lumalapit na taga isla kaya nagmadali akong lumapit sa kanilang bangka. “Tulungan ko na po kayo, Manong.” Hinayaan ko nang mabasa ang tsinelas ko sa tubig. Nililipad ng hangin ang buhok ko. Buti na lang may shades ako at nagsilbing supil. Hinila ko ang isang tikles na may lamang mga bagong huling isda. Medyo natigilan ako roon dahil nangingisay pa ang ilang isdang nadoon at tila gustong tumalon mula sa kulungan nito. Binuhat ko iyon at binaba sa buhangin. “Mam baka marumihan kayo. Malansa ang mga ‘yan. Kami na lang po.” nilapitan ako ng lalaking naka asul na lumang long sleeves at siyang humila sa bangka nila. Parang nahihiya pa siyang lumapit sa akin at natigilan. Ngumiti ako. Sinikop ko ang buhok at nilagay sa kanang leeg ko. “Ay okay lang po. Walang problema sa akin ‘yan. Sa loob po ba dadalhin ito?” Hindi sumagot ang lalaki. Napakamot ito sa batok at binalingan ang papalapit na kasama. “Gustong tumulong ni Mam,” Ngumiti ang lalaking bagong dating. Hila hila niya ang malaking basket na may lamang mga prutas. “Mabigat ang mga ito, Madam. Hindi niyo kakayanin,” “Tutulong lang po ako, Kuya. Hindi ko naman bubuhatin lahat.” Nagtawanan ang dalawa at nagtinginan. Sunod na ring lumapit ang dalawa pa nilang mga kasama. “Kayo pong bahala. Pero baka masugatan ang daliri ninyo,” “Hindi naman po ako sensitive. Namangka lang po kayo? May malapit po bang bayan dito?” “Inutusan lang po kaming dalhin ito rito, Mam. Galing sa kabilang isla-“ “Huy!” Kumunot ang noo ko. “May malapit pa pong isla rito?” Sandaling natigilan ang lalaking siniko at tiningnan ang kanyang kasama. Base sa nakikita ko, nagpapalitan sila ng mensahe gamit ang mga mata. Ibig sabihin, may ayaw silang sabihin sa akin. So, I stretched my lips to a friendly smile. “Pwede niyo naman pong sabihin sa akin. Asawa ko po ang may ari nitong The Paradise . . .” I tried to bribe them through my title. Saka, bakit naman kailangang ilihim pa kung may kalapit pa lang isla rito? “Hindi naman sa ganoon, Mam. Kaya lang kasi, baka sa amo namin kami malintikan.” “’Wag na nga! Napakadaldal mo talaga!” “Oy, tama na ‘yan. Ipasok na ‘to sa loob nang makauwi na.” Dagli akong kumilos at binuhat na ang isang tikles ng isda. “Ako na po rito.” “Sigurado kayo, Mam? Malansa po ‘yan,” I didn’t look at him or even answer him. Binuhat ko na lang iyon at dinala patungo sa villa. Nakita ako agad ni Dos at patakbong lumapit sa akin sabay bawi sa tikles. Medyo mabigat iyon pero kaya naman. Pinasunod niya sa kanya ang mga bagong dating na lalaki. Tumabi ako para bigyan sila ng madadaanan at mabibigat ang kanilang dala. Supplies ng isla yata ang bitbit pero inutusan lang daw silang dalhin dito mula sa kabilang isla? Paano? Um-order si Yale? Sumunod ako sa kusina kung saan binagsak ang mga pagkain. Tumalima ang sa tingin ko ay namumuno sa kusina at isa-isang tiningnan ang mga dala. They seem oblivious of my presence. Si Dos, tumayo at kinausap ang apat. Nagtatawanan sila at kaunting biruan pa. Mukhang magkakakilala. So, madalas silang maghatid ng pagkain dito. “Ipapasabi ko ito agad kay Sir.” Sabi ni Dos. “Ang dami nito, ah. Kabibili lang din ng supplies. Pero for sure agad itong mauubos.” “Hindi kasi nakarating sa kasalan kaya nagpabigay na lang.” “Wala si Hector, Mang Fredo?” “May trabaho sa maynila. Hindi rin makakarating.” “Sige, ho. Pakiabot na lang ang pasasalamat ni Sir Yale.” “Makakarating! O siya sige, mauuna na kami, ano? E, marami pa akong trabahong naiwan do’n.” “Opo. Mag ingat kayo.” Dahil nakatayo ako sa bukana mismo ng kusina, pagharap nila sa akin at sabay sabay silang natigilan. Nasa likod ang mga kamay ko. Nginitian ko sila. Lalo na ang mga naghatid na sina Mang Fredo. Lumunok si Dos. Tinaas nito ang kamay at tinapik sa likod si Mang Fredo. “Mauuna na po kami, Mam.” Tumango ako sa kanya. “Thank you po ulit. Ingat po.” “Siya si Ma’am Deanne, Mang Fredo. Asawa ni Sir Yale.” Bumilog ang mga mata ng matanda. Mangha mangha at para bang kagulat gulat na malamang asawa ako ni Yale. Pero matapos ang gulat ay malaking ngiti ang ginawad nito sa akin. “Kayo po pala ang napangasawa ni Ser Yale. Kinagagalak ko po kayong makilala, Mam Deanne. Maganda na, mabait pa!” I offered my hand. “Deanne na lang po.” He briefly shook my hand. I gave him a friendly smile para hindi naman sila masyadong mahiya sa akin. And then . . . “Sino po ba ang nagpadala nito? At nang makapagpasalamat naman po ako.” “Ah, galing kay Don-“ “Mang Fredo!” “Pepot! Hehe. Galing kay Don Pepot ang mga ‘yan. O sige, Mam Deanne. Alis na po kami.” “S-Sige, ho. Ingat po kayo.” Nauna nang lumabas ng kusina si Mang Fredo kasunod ang tatlo pa niyang kasamahan. Dos quickly followed after he gave me a side look. “Pepot?” sinundan ko sila ng tahimik na tingin hanggang sa mawala sa paningin ko. Nanatili ako roong nakatayo at iniisip kung sino itong si Don Pepot sa buhay ni Yale. Wala akong maalalang gan’yang pangalan sa info na pinakuha ni Dad. O baka naman kakilala lang din kaya hindi mahalaga, ano? Sa huli, napabuntong hininga ako at kibit ng mga balikat. Marami pa akong pagdadaanang mga araw at oras. “May maitutulong po ba kami sa inyo, Ma’am?” “Ah, yes! Pahiram naman ako ng scotch tape niyo.” Nagtagal ako nang ilang minuto sa kusina dahil hinahanap nila ang tape. Dahil nandoon na rin ako, sinilip ko ang mga dinalang pagkain. Hindi ako pinagbawalan at walang nagawa nang kumilos ako. May sariwang isda, piling ng saging, mangga, papaya, mansanas at pati dragon fruit ay mayroon din. Nakita ko rin ang dalawang sako ng harina at limang tray ng itlog. Umasa rin akong may sulat o kahit note pero wala. Matiim naman ang bibig ng mga staff ng isla. Nang magtanong ako kung sino si Don Pepot, pinagkibit lang ako ng mga balikat. Well-trained? I guess, I shouldn’t underestimate Yale’s staff. Even his men. Lalo na si Dos. Mukhang loyal sa kanya. How about in their mansion. Si Vee kaya pwede kong chikahin? “Ano’ng ginagawa mo r’yan?” Nakaupo si Yale sa gilid ng sun lounger na gamit ko. Nakadapa pa rin ang libro at mukhang hindi ginalaw. He was staring at the ocean when I found him and he abruptly looked at me after he heard my voice. Tinitigan niya ako at kumunot ang noo. He’s staring at my face. Humahakbang palapit sa kanya, pinakita ko ang dalang scotch tape at gunting. He then nodded. Suot niya pa rin ang maong jeans pero may round neck t shirt nang pang itaas. Masikip tingnan ang bibig ng manggas niya sa kanyang mamasel na braso. Sa bandang balikat ay bumabakat ang katawan niya. Pero hindi masagwang tingnan. Mas lalo siyang . . . gumwapo. “Kanina ka pa rito?” I forced myself not to stare at him longer than five seconds. Ngayong madalas niya akong titigan, pakiramdam ko ay may binabasa siya sa mukha ko. Para bang may hinihintay siyang sabihin ko o nag aabang ng mali kong sasabihin. Kinakabahan ako kapag gan’yang nakatitig siya sa akin. Lumunok ako. Sumimsim ako sa juice para mapakalma ang dibdib. He’s still watching me. Nangalahati ko agad ang basong kanina ay kakaunti lang ang bawas. Hindi na rin iyon masyadong malamig. Hindi niya sinagot ang tanong ko. Kaya inabot ko ang libro . . . hinawakan niya ang wrist ko at hinila ako paupo sa kanyang kandungan. I didn’t protest. Inikot niya ang isang kamay sa baywang ko at ang isa sa binti ko. Tapos ay pinatong niya ang baba sa balikat ko. His breath is fanning my cheek. We didn’t talk. Pinatong ko ang nakabukas na libro sa hita ko. Binaba ko rin doon ang gunting. Hinanap ko ang dulo ng tape pero naisang ikot ko na iyon hindi ko pa rin makapa ang pinakadulo nito. My fingers started to shake because he’s watching me intently. At habang kinakapa ko ang tape, kumakapa rin ang palad niya sa binti ko. Taas, baba. Mabining haplos. Taas, baba. I didn’t wiggle nor wince at his subtle touch. O suporta ba iyon para makapa ko rin ang dulo ng tape na ‘to? Hay, ewan! Then, finally, nahanap ko rin! Hinila ko iyon at gumawa ng ingay ang dikit mula tape. Pagdiin ko sa gunting, ayaw naman magupit. “Mapurol,” I muttered instead of saying ‘bwisit.’ Ilang beses kong sinubukang guntingin ang tape hanggang nalukot na nga ang parteng gugupitin ko. He chuckled and removed the scissor from me. Hindi ko siya tiningnan dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Sinundan ko ng tingin ang ginawa niya. Hinawakan niya ang kamay kong hawak ang tape. Nilapit niya iyon sa bibig. Gamit ang talim ng ngipin niya, naputol ang sana’y gugupitin ko. “Uhm, thanks!” I made my voice cheerful to avoid being mesmerized by his gesture. Hindi ako marunong no’n. Kung hindi talaga umubra ang gunting, hihilahin ko lang ang tape hanggang sa maputol Though, papanget lang iyon dahil mai-stretch ko. Finally, napagdikit ko ulit ‘yung maliit na punit sa pahina. “What happened? Are you mad?” bulong niya sa tapat ng tainga ko. “Hindi, ‘no. Hindi ko sinasadyang mapunit.” “Hindi mo kailangang dikitan ‘yan. Okay lang.” Umiling ako. I made sure na matakpan ko ng tape ang punit para hindi maulit. “Hiniram ko lang ‘to sa ‘yo. Dapat isoli ko nang maayos din.” He drew a breath and tightened his arm a bit on my waist. Inilapit niya ang labi sa panga ko. Naramdaman kong dumadampi dampi roon ang labi niya. “It’s yours now, love. What’s mine is yours. Lahat ng nandito sa isla, ikaw na rin ang may ari.” I sighed. “Kahit na. Hindi magandang nakakasira ng gamit na hiniram lang. Eto, okay na ba?” Pinakita ko sa kanya ang nagawa ko. Malinis naman iyon nang kaunti kahit may isang kulubot sa pagkakalapat ng tape sa papel. Binalingan ko siya para makita ang reaksyon niya pero . . . ako ang tinitingnan niya. Our lips are just inches away. Mahigpit ang hawak niya sa hita ko at baywang para hindi mahulog sa buhangin. We stared at each other. I couldn’t turn away. I couldn’t even blink like as if he’s gluing my eyes on his. Umihip ang malakas na hangin. Hinangin ang buhok ko at tumama sa gilid ng mukha niya. Hindi ko magawang ayusin o sikupin dahil hindi ko maalis ang titig sa kanya. Nariyan lang ang mga tauhan niya. Malapit kami sa villa at sa mga staff niya. Baka may isang lumapit at kausapin kami. Pero kahit ganoon, hindi na ako natakot nang halikan ako ni Yale. Sa sun lounger kami at tabing dagat. Bumaba ang kamay kong hawak ang libro. I thought then that it slipped off from my hands. The next thing I knew, nakapulupot na ang mga kamay ko sa leeg niya. Sinusuyod ng daliri ko ang ilalim ng maiksi niyang buhok . . . at nakatabingi ang ulo para mas lalong lumalim ang halikan namin. Inalis ni Yale ang shades sa ulo ko. Narinig kong nilapag niya bago muling nag-concentrate sa halikan namin. I am getting addicted. My body started to be familiarized to his touch and even his lips. His mouth is wide opened. Pinagparte niya ang labi ko gamit ang eksperto niyang dila at ginalugad ang bibig ko. My eyes automatically closed as I feel the hotness and unstoppable kisses, he is giving me. He slants his head and deepened the kiss. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, malibang hagurin, suklayin at yapusin siya sa likod ng ulo niya. It’s so hard to stop him . . . this. But my face is under hot fire when he thrust his tongue in my mouth. He slides it in and out. Para akong sinilaban nang maramdaman iyon at matapos gumuhit sa isipan ko ang ibabang bahagi ng katawan niya. He already rubbed it on me and I saw his size. I saw its wide and thickness and . . . hardness. Having explicit images in my head—I abruptly pushed his chest and covered my mouth with my hand. Bumilog ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Ang init ang mukha ko at mukhang ganoon din siya. His face, ears and neck turned red. He’s turned on! Kita ang gulat sa mukha niya pagkatapos ko siyang itulak. Pero hindi ako nagagalit. Nagulat ako sa tupok ng apoy na kumalat sa katawan ko. My chest is panting. And I am gasping for air. Ganoon din siya pero mas malumanay kaysa sa akin. He didn’t look remorse or what. Ofcourse, he wouldn’t. Kung hindi ko siya tinulak baka kung saan kami humantong. What he did is too explicit and . . . hot. Nasa labas pa kami ng villa! Under my palm, I bit my lower lip. I can still taste him and even feel him sliding in. Pakiramdam ko ay nanginginig ang labi ko. But I didn’t let him know that I am really—affected. I darted my eyes on the book. I lifted it up from the sands, near his big foot. Pinagpag ko iyon at saka ako tumayo. Sinusundan niya ako ng titig. At kapag gan’yang ang gwapo niya at magaling pang humalik, baka tuluyan na akong makalimot na nasa labas lang kami. I don’t want to be embarrassed and I don’t want to make a scene! Gosh. Mababalita pa kami niyan. “Mag asawang Montevista, nakalimot sa tabing dagat!” I almost groaned. I chastised myself silently. Humiga ulit ako sa sun lounger. Ang sun glasses ko na inalis niya sa ulo ko ay ginawa ko ulit supil. Tinutok ko ang mata sa libro pero ayaw ng utak ko. Yale is still watching me. As if begging to me to get back on his lap and continued our explicit kissing scene. Oh, no. Hindi ko kaya. Hindi ko siya kinakaya! Ayun, ‘yon! Bumuntong hininga akong malalim. Hindi ko siya tinitingnan. Nilagay niya ang kamay sa kanang hita ko. Hindi iyon ginalaw. Nakalapat lang. “Hindi mo . . . nagustuhan? Sorry.” Dama ko ang bigo sa boses niya. Pero sa kaba na nararamdaman ko, hindi ko pa rin siya matingnan. I cleared my throat. Nilipat ko ang pahina kahit walang naiintindihan sa self-help book na ito. “Am I too . . . harsh?” Ngayon, kabado na ang tono niya. “Hindi.” “You didn’t like it? I’m sorry.” Pinirme ko ang labi. Wala akong sinasabing hindi ko iyon gusto. Nagulat lang ako. Kinakabahan pa nga ako. “P-Pwede mong sabihin sa akin kung . . . ano ang gusto mo. H-Hindi ko ipipilit ang akin kung natatakot ka,” “Hindi ako takot.” Natahimik siya. Bumaling sa buhangin. “Maybe I was too harsh to you,” Agad kong binagsak ang libro at bumangon. “You weren’t harsh, okay? Nagulat lang ako. Hindi pa ako nahahalikan nang ganoon.” “Natakot kita?” “Hindi.” “Then, why did you push me away? I saw fear in your eyes.” “I was shocked. It’s just my initial reaction. ‘Wag mo ngang dibdibin ‘yon. Wala na agad sa akin, kita mo?” Inilapit ko pa sa kanya ang mukha ko para makita niyang hindi ako takot na takot at nabubura na ang takot sa mukha ko. Kung tutuusin, mas takot pa siyang tingnan sa aming dalawa. Natakot siyang matakot ako sa kanya? Gano’n? Unti unting lumamlam ang mukha niya. Namungay ang mata niya habang titig na titig sa akin. Then, he sighed and nodded once. Tiningnan ko na lang at bumuntong hininga. Bago dumilim, niyaya ako ni Yale na mangisda kami. Sinabi kong may mga sariwang isda na dumating kanina. Tumahimik ilang sandali pero niyaya niya ako ulit. Iba naman daw kung kami ang humuli. Mas masarap kaysa sa bigay lang. Kaya pumayag na ako. Sumakay kami sa bangkang de motor. Akala ko, magsasama siya ng tauhan. Kaming dalawa lang ang sumakay sa bangka. Ibig sabihin, marunong siyang mangisda. Pinasuot niya ako ng life vest kahit umayaw ko no’ng una. Hindi niya inalis ang kamay sa harap ko hangga’t hindi ko sinusuot iyon. Inirapan ko siya pero sinuot ko rin. “Steady ka lang. Relax.” Bulong niya sa tainga ko. Nasa likod ko siya at siyang may hawak sa kamay kong hawak din ang panghuli. His heart is calm. Well, mukhang sanay siyang gawin ito. Ang mangisda. Tinuruan pa niya ako kung paano maglagay ng pain at kung paano ihagis ang dulo ng tali sa tubig. Hindi pala madali iyon. At nang may humila na sa panghuli ko, I screamed my lungs out. “Yale!! May kumagat na! Tingnan mo dali!” tinuro ko sa kanya ng paggalaw ng tali sa tubig. Akala ko nga pati ako ay matatangay. He chuckled and held my hand. “Ganito ang gagawin mo,” Madali lang ang paghila dahil may iikot ka lang. Pero ‘yung isda sa ilalim ng dagat, magulo at nanlalaban. I laughed, screamed and giggled. Tawa nang tawa si Yale sa reaksyon ko. Kinurot ko pa siya sa braso dahil puro tawa at pang iinis ang ginagawa niya. Kung hindi ako nakapagtimpi, hinulog ko na ito sa dagat. Nang maitaas na ang dulo at lumabas ang may katamtamang laki ng isda, nagpapalag iyon. Lumayo ako at natakot sa buhay na isda. Baka tumalon bigla sa akin. Maibalik ko pa sa dagat kapag nainis ako. Isang hawak lang ni Yale sa buntot, nahuli na niya. He put it on our ice box and covered it. Napahawak ako sa dibdib habang nakaupo. “May ulam na tayo?” He smirked. “Isang piraso pa lang. Kulang sa atin ‘yan.” Ngumiwi ako. “Ang hirap naman, e. Nakakatakot kapag pumapalag. Hindi ka ba nasugatan?” Tumawa siya at kinurot ang dulo ng ilong. Bago umuwi, tatlong isda ang nahuli namin. Pinaluto iyon ni Yale para sa hapunan namin. It was fun. I was eating the fish I caught. Dati-rati, ang tingin ko sa isda ay pagkain lang. Ngayon, habang tinitingnan ko ang sinigang na isda at pritong may harina, kanina buhay ito, ngayon nakahandusay na sa pinggan ko. Bigla akong naawa. Kinagabihan, tumambay kami ni Yale sa lambat na duyan malapit sa shore. Magkatabi kami. Pinapanood namin ang alon ng dagat at mga bituin. Kung anu ano lang ang pinagkukwentuhan namin. Naghahalikan din kami pero hindi na naulit iyong ginawa niya kaninang hapon. Tapos ay hahaplusin niya ang mukha ko’t mag uusap ulit kami. I never thought, na mag e-enjoy ako sa isang linggong stay sa isla. Honeymoon sana pero naging simpleng bakasyon na kasama niya. At first, kabadong kabado akong makasama siya kakaisip sa mangyayari. But what happened is actually fun. I had fun staying in The Paradise Island. Inaayos ko na ang gamit ko at nilalagay sa bag. Uuwi na kami bukas sa manila. At ngayong gabi pa lang, marami nang tumatawag kay Yale sa opisina. Parang hindi yata sila makapaghintay na bumalik sa kanila si Yale. Hindi matapos tapos ang tawag sa kanya. Galing sa banyo, nakita ko siyang nakatayo sa glasswall at nakatanaw doon. Hindi ko siya pinansin at lumapit ako sa kama kung saan nakabukas ang bag ko. Malapit na akong matapos sa pag iimpake. Siya, hindi pa. Pagsara ko sa zipper, bigla akong binalingan ni Yale. Napatingin din ako sa kanya. “Uh, wait a second,” Kumunot ang noo ko. Umalis siya sa kinatatayuan at nagpaalam sa aking lalabas. “Bakit?” Tinuro niya ang phone niya. “May kakausapin lang ako, love. Sandali lang ako. Hello, yes? Can you give the phone again to his translator . . .” His voice faded after he closed the door. Tumitig ako sa pinto. Pagkalipas ng ilang segundo, nagmamadali akong lumabas at sinundan siya. Naroon siya sa malaking balkonahe kaharap ang dagat. Nakapamulsa ang kaliwang kamay at ang isa ay hawak ang phone sa tapat ng tainga. Kumakalabog ang dibdib ko habang walang ingay akong lumalapit sa kanyang likod. Unti unti kong narinig ang sinasabi niya sa kausap. “I know. But please tell him I’ll be in manila by tomorrow. There’s no need for him to come over here,” He listens on the phone. Then, he sighed. “Tell him then, that I’m going to call Mr. Napoleon Salviejo,” Salviejo! Ruth’s grandfather! Mas lalong kailangan kong lapitan siya roon at marinig ang pinag uusapan nila. So, I stood up straight. Hinawakan ko ang mga kamay at pinagkukurot para hindi ako kabahan lalo. Lumapit sa likod ni Yale at . . . pinulupot ko ang mga braso sa kanyang baywang. “It’s not—” I grinned in secrecy when he stiffened. He looked over his shoulder to find me. Mula sa likod, niyakap ko siya at sinalubong ko ang mukha niya ng ngiti. “Don’t mind me.” I whispered so I wouldn’t disturb him from his phone. “Deanne . . .” Hinigpitan ko ang braso sa baywang niya. Pinatong ko ang kanang pisngi sa likod niya at pinakitang hindi ako aalis doon. “Hintayin mo na lang ako sa kwarto. May kausap pa ako,” Umiling ako. Trying to tease him. Kinulit ko siya nang may halong lambing. “Ayaw ko. Gusto kong yakapin ka.” He chuckled a bit. “Later, love. Hindi kita bibitawan mamaya. Pero doon ka muna sa loob. May kausap pa ako, please?” I kissed his back and shook my head. “No. I want you here.” Matigas na ulo kong sagot. He sighed and held my arm on his tummy. “Deanne . . .” “Mag usap lang kayo. Hindi ako mag iingay, promise! Yayakapin lang kita.” Natahimik siya. Hindi rin pinagpatuloy ang kausap sa phone. I tried to see him without moving my head. Nag iisip ito kung hahayaan ako roon o hindi. He mentioned Napoleon Salviejo. May kinalaman sa Blue Rose Gang ang tawag na ‘yan. Kaya lumabas pa siya ng kwarto para hindi ko marinig. Hinding hindi ako aalis. After several seconds, kinalas niya ang kamay ko sa baywang niya at humarap sa akin. Maybe I looked embarrassed or humiliated but definitely I got disappointed after that. Seryoso ang mukha niya. Matiim niya akong tiningnan bago bumuntong hininga. “This call is important. I need privacy. Please, go back to our room.” Pero hindi ako nagpatalo. I made a puppy face and begged, “Dito muna ako . . .” “I said go back to our room. Now.” Kumurap kurap ako. Matiim ang bagsak ng labi niya. His jaw even looked hardened. Ang timpla ng mukha ay iyong ayaw sinasaway ang kanyang utos. What I didn’t like is the way he stared at me. I gulped. Hindi ako sumagot at tinalikuran siya. Alam kong sinusundan niya ako ng tingin at naninigurong papasok nga ako sa kwarto. And when I did, nagpakawala ako ng kaba at malakas na hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD